CHAPTER 14 (Acquaintance Night)

1970 Words
Kendra  Ito ang ayoko sa pagiging officer: kailangang umattend sa mga ganitong gatherings. Hindi ko ba alam kung bakit kailangang ipagsabay sa iisang araw ang mga event, parang wala nang bukas. Para bang may hinahabol silang oras. Nakakapagod ang ganito. "Hoy, huwag mong subukang tumakas babae ka, alam ko iyang nasa isip mo." Biglang sambit ni Ara at pinaningkitan ako. Napatingin naman ako sa kanya. She was already finished, kinilatis ko naman ang suot nito. I must admit she looked stunning in her black asymmetrical sequined sleeveless gown, perfectly paired with five-inch black Cesare Paciotti heels. Samantalang ako naman ay nakasuot ng black velvet evening gown with lace sleeves and a daring high slit, matched with my Jimmy Choo heels. Napasimangot na lang ako dahil nalaman niya kung ano ang iniisip ko. "Yah! Now I'm really sure na kamukha mo talaga siya." Grabe, ang babaeng ito bigla-biglang nagbabago ang mood. "Who are you talking about?" Napatingin siya sa akin. "Si Jeon Somi. She's an artist in Korea. You have the same skin tone, halos magkatangad rin kayo, at pareho kayong may facial features like the tangos na ilong and thin lips. I once met her during Fashion Week noong sinama ako ni Mom, kaya pala familiar siya kasi naalala kita sa kanya. Hahaha." Pinakita naman niya ang picture nilang dalawa. I would say na medyo magkahawig nga kami, pero... "Weirdo mo. Ang layo, 'no? Tsaka mas maganda ako sa kanya," depensa ko. "Well, sabi mo 'eh. Sa iba, baka nga pagkakamalan ka rin. Pero kapag nalaman nila iyang attitude mo, doon lalo kayo magkakalayo. Pero balik tayo sa usapan huwag mong tatangkain umalis nang maaga sa event. Lagot ka sa akin." "Mas worse ka pa sa mommy ko. Uuwi ako kung kailan ko gusto." "Ah, basta. Hindi ka pwedeng umalis." I just rolled my eyes at her. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ayaw niya akong paalisin nang gano'n kaaga ibig sabihin kasi, kailangan niya na ring umuwi kapag ginawa ko 'yon. Kahit spoiled siya sa parents niya, pagdating sa mga ganitong event, hindi puwedeng wala siyang kasamang mapagkakatiwalaan o hindi kilala ng parents niya. Naalala ko noong Grade 9, pinilit niya akong sumama sa prom kahit ayoko. Sabi niya, hindi rin daw siya papayagan kung hindi ako kasama. Kaya ang naging usapan namin, hanggang 12 midnight lang ako puwedeng mag-stay, at wala siyang nagawa kahit labag sa kalooban niya. Noong field trip naman, hindi rin siya pinayagan dahil hindi ako kasama, kaya isa iyon sa mga kinatampo niya sa akin. Hindi ko naman masisisi ang parents niya. Hindi sila basta nagtitiwala agad. Dahil ako ang pinakamatagal na nilang kilala at may tiwala sila sa akin, naging gano'n ang setup namin. And vice versa, gano'n din ang parents ko. Kapag may mga event, hindi rin ako papayagan kung wala si Ara. So basically, nakasalalay kami sa isa't isa. Maituturing na rin kaming parang magkapatid dahil pareho kaming only child. Kami ang nagdadamayan at nagkakaintindihan sa halos lahat ng bagay. Pero hindi ko sasabihin sa kanya 'yon nang harapan kasi masyado siyang OA minsan. ********** Pagdating namin sa venue mukhang halos lahat nandoon na. Nagkakasayahan na ang iba, ang ilan ay napatingin sa gawi namin ng dumaan kami sakanila hindi na lang namin masyadong pinaglaanan ng pansin sayang sa oras. Mukhang hindi pa rin nag-start ang event. Napatingin naman ako sa relo ko na nakasabit sa kanang wrist ko, 9:35pm ang nakalagay doon. "Doon na ako sa table namin. See you around." Paalam ni Ara sa akin. Ako naman, hinanap ko rin ang table namin. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng venue. It had a black and silver theme, glowing under the warm golden lights from the large chandeliers hanging from the ceiling. Ang liwanag nito ay nagre-reflect sa mga malalaking mirror ball decorations na nakakalat sa buong room. May mahahabang banquet tables din na nakatakip sa white linens, illuminated by candlelight, habang ang soft music ay siyang pumupuno sa buong lugar. Sa dulo ng venue ay makikita ang stage na naliliwanagan ng cool na mga lights, completing the elegant atmosphere of the evening. Hindi naman ako nahirapang mahanap ang table namin dahil kahit hindi sabihin, alam mo nang kami ang laging nasa huli. Para bang automatic mo nang maiisip na kapag narinig mo ang Black Section, dapat nasa pinakadulo kayo, because we are the last section, the loser section kahit anong gawin naming tama. Kahit wala silang sabihin, makikita sa mga kilos at tingin nila ang pangungutya. And I hate to admit it, pero pakiramdam ko ay na-didiscriminate kami dahil doon. Nawala ang atensyon ko kanina sa ibang section nang makita ko ang mga kaklase ko at sinalubong nila ako ng pagbati. "Hayan na ang ating pinakamagandang president ng Black section. Let's welcome. Kendra Del Verra."- Malandi at maingay na salubong ni Nyx saakin. Bigla naman akong nahiya dahil sa pinagsasabi nito. Well, confident naman akong maganda ako, pero pinaglalandakan ko lang 'yon kay Ara, pero pag sa ibang tao, para bang iba 'yung pakiramdam. Nakakahiya lalo pa't lahat sila ay nakatingin sa akin. Hindi mo alam kung ano ang iniisip nila. "May ilalaban na tayo para sa Star of the Night." Sabat naman ni Serene. Kaya pinanlakihan ko ito ng mata. Asa siya. Napatingin naman ako sa kanya. Mukha siyang mas bagay na isabak sa gabing ito. I really like her outfit tonight; she looks like royalty in her black evening gown decorated with intricate gold embroidery. Mayroon itong fitted na V-neck bodice, mahahabang sheer sleeves, at isang maluwag na A-line skirt na may mataas na slit — kaya ang elegante at regal ng dating niya. "Ay, bet, pero kung ayaw ni Kendra, ikaw na lang, Serene, tapos partner kayo ni Papa Riego or Papa Jairo. Pwede kang mamili sa mga kaklase natin, alam mo kasi kung hindi mo napapansin halos nandito lahat ng face card sa klaseng ito. Haha" See, kahit sila agree doon. "Sige ba ako ang magrerepresent ng Section natin basta ikaw ang partner ko." Pinatulan naman nito ang sinabi ni Nyx kaya mukha namang nandiri ito sa sinabi ni Serene at dahil doon nagtawanan kaming lahat. Nakakatuwa dahil kahit papaano naging close na rin ang mga kaklase ko sa isa't isa, hindi tulad noong una. Saka halos lahat tumutulong at nirerecognized na rin ako biglang President nila hindi ko alam, pero mula noong kinaladkad ko dati si Knox na sumama saakin para sa meeting bigla nag-iba sila mukhang natakot ko silang lahat. Pero hindi pala lahat, dahil pasaway pa rin yung apat, lalo na yung feeling hari. Speaking of, nasaan kaya yun? Bakit wala siya rito? Sa pagkakaalam ko dapat present ang lahat ng officers dito bakit hindi ko pa siya nakikita. Humanda yung lalaking yun saakin. ********** Nag-start ang program pero medyo hindi na ako nakikinig. The usual and typical na acquaintance program—may mga speech, pagpapakilala, at kung anu-ano pa. Mas lalong naging tahimik ang table namin nang magsimula ang intermission numbers ng mga higher section. Halatang pinaghandaan nila—may choreography, may props pa. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga kaklase ko. Doon ko lalo naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Medyo nagkaroon tuloy kami ng pakiramdam na out of place. May ilan na parang walang pakialam, nakangiti pa rin habang nanonood. Alam kong kahit hindi nila sinasabi, pareho lang kami ng nararamdaman. "Ganito pala ang feeling na ma-out of place." Mahinang sabi ng katabi kong si Serene. Hindi siya nakatingin sa akin, pero alam kong ako ang kinakausap niya. "Parang hindi ka naman nasanay," sagot ni Nyx, nakasandal sa upuan habang nakataas ang kilay. "Parati naman tayong ni-left behind ng mga 'yan. Kung hindi nga dahil sa mabait nating president, baka kahit dito sa party na 'to hindi na tayo pinapasok." "In fairness," singit ni Sam, "hindi tayo na-inform na may ganyan silang mga intermission number. Nakapag-prepare sana tayo. Mukhang sila-sila lang din ang nag-usap." May punto siya. Walang nagsabi sa akin tungkol sa ganito. Actually, hindi nga kami nabigyan ng invitation. Kung hindi ko pa nakita kay Ara yung invitation niya, hindi ko pa malalaman kung ano ang flow ng program. "Huwag niyo nang isipin 'yon," sabi ni Nyx habang nakangiti. "At least hindi tayo naghirap mag-rehearsal o mag-isip kung anong ipe-perform natin." Gusto kong sumabat. Gusto kong sabihin na hindi iyon ang punto. Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Maya-maya, may dalawang kaklase akong lumapit sa akin, kaya napatingin ako sa kanila. "Miss Pres, pinapatawag ka ni Knox." sabi ni Klean. Napakunot ang noo ko. "Bakit hindi siya ang pumunta rito?" "Nandoon siya sa backstage. Pinapasundo ka lang sa amin." Natawa ako nang walang humor. Kahit kailan talaga ang lalaking yun. Wala ba siyang paa. "Siyang may kailangan, siya ang pumunta rito kamo." "Pero malalagot kami kapag hindi ka namin nadala sa kanya," sagot ni Klean, halatang alanganin. Napairap ako. Kahit kailan, napakabossy talaga ng lalaking 'yon. "Sige na, Kendra," sabi ni Serene. "Sumama ka na. Maiinipin pa naman si Knox. Kawawa naman 'tong mga inutusan niya kapag hindi ka pumunta." Tumayo na ako at sumunod kahit labag sa kalooban ko. Ang lakas pa talaga nang loob niyang tawagin lang ako kung kailan niya gusto. Humanda talaga yung bwisit na iyon. Nang makarating kami sa backstage Doon ko sila nakita. Nakatayo ang apat na feeling hari ng section namin. Nakatingin sila sa akin na parang matagal na akong hinihintay. Wala akong pakialam kahit iyon pa ang isipin nila. "Mabuti naman at nagpakita ka. Marami kang dapat ipaliwanag sa akin." — Pagtataray na bungad na 'ko agad kay Knox. Hindi ko pinansin kung anong itsura niya ngayon dahil naiinis ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Ay, hindi marami pala akong dahilan para mainis sa kanya. Una diyan ay mukha niyang mayabang. "I don't have time for your nonsense speech."- Anong sabi niya? Bwisit talaga kahit kailan. Pangalawa pa ang magaspang na ugali niya. "Eh, kung suntukin kaya kita rito, ang kapal ng mukha mong papuntahin ako rito, ikaw naman ang may kailangan." Naiinis na saad ko. Natawa naman ang kasama nito at nakita kong sinamaan niya ng tingin ang mga ito. "Just tell her what to do. I might not be able to control what I'll say to her." Nagtitimping sabi niya sa mga kasama. Sandaling nagkatinginan ang mga kasama niya bago si Jairo ang nag-volunteer na magsalita. "Ano kasi..." nagsimula siya. "Si Head Master inatasan kaming mag-perform ngayong gabi. Actually, every event naman talaga kaming nagpe-perform." "Band kami," dagdag niya. "Parang live band." "Pero..." saglit siyang nag-alinlangan, "kailangan namin ng tulong mo." Napakunot ang noo ko. "Yung vocalist kasi namin... nasiraan ng sasakyan. Baka hindi na siya makakarating." Saglit akong natahimik. Parang hindi agad nag-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya. "So naisip namin..." patuloy ni Jairo, "na ikaw na lang ang sumalo." "What?" napatayo ako ng tuwid. "Nalilito ako. Bakit ako ang magiging vocalist ninyo?" "At ako ang naisip niyong kunin na vocalist?" Tinitigan ko sila isa-isa. At tinawanan sila. Tinignan naman nila ako na para bang nababaliw. "Paano kung sabihin kong hindi ako marunong?" Seryosong sabi ko. "Mag-aaksaya pa ba kami ng oras kung alam naming hindi ka marunong?" Si Knox ang sumagot. Diretso ang tingin niya sa akin. "We review your profile, but there's nothing we can do if the documents you submitted turn out to be fake." Napatanga naman ako dahil sa sinabi ni Hezron. So binackground check na ako ng mga kumag na ito bago pa ako makapunta rito? "So it's true that yourdocuments are fake." Hinihintay naman nila akong magsalita. Anong sasabihinko sakanila ? Mag sasabi ako ng totoo o magsisinungaling na lang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD