SOMEONE's POV
I watched the Lion Kings perform on stage, not bothering to approach them anymore. I knew they had everything planned out; they always had a backup plan. That's why I felt at ease; they could handle any problem that came their way. It wouldn't be surprising if it were Knox who came up with plan B.
Masasabi kong magaling naman kahit papaano ang kinuha nilang maging vocalist for the meantime.
"Why don't you go up there? You're supposed to be the one on stage." I turned to the person who spoke and saw Solene standing beside me. Her eyes were also fixed on the stage.
Nahihimigan kong hindi siya natutuwa.
"Hindi na, mukhang hindi naman na ako kailangan pa. You see, they can do it without me."
"Nakita kitang dumating kanina pa. Kung nalate ka lang ng ilang minutes may time ka pang makahabol."
"Nah. I know they already have a backup plan. If I go up there, I might just ruin what they've prepared. And I think it turned out fine anyway, their performance actually came out better." Hindi tulad noong nagprapractice kami noong mga nakaraang araw. Parang walang kabuhay-buhay si Knox. Now I can see that his enjoying now.
"Kahit na, mas magaling ka naman keysa doon sa nagpeperform." I can see the jealousy in her. Hindi ko alam pero sa tingin hindi lang selos ang nakikita ko kundi inggit na rin kay Kendra. Well, marami naman talagang pwedeng kaingitan sakanya. She came from a well-known family, beautiful, intelligent, yet it was quite surprising that she ended up in the Black Section. And she has this natural aura of leadership, so it wasn't shocking that she became their section president even though she was new.
I've been studying here in Nexus for so long, but this is the first time I've seen the students from the Black Section actively participate in school events, and it's all because of her. I can't wait to see what other changes she'll bring to their section.
"Are you threatened by her?" I suddenly ask her at tinitignan kong anong maging reaction niya.
"Why should I? I have nothing to be afraid of. She's just the president of their section. She's nothing compared to me." I couldn't help but laugh at how defensive she sounded. She's my childhood friend, and I had never seen Solene act like this before. She had always been calm and calculated, careful with every move she made and every word she spoke.
"Okay, if you say so." Napabalik muli ang tingin ko sa stage. Pinagmamasdang mabuti ang performance ni Kendra. hindi ko alam pero meron talagang siyang kakaibang aura, even Harris also can feel and see that. Para bang may tinatago, isang bagay na hindi ko pa maipaliwanag. I don't know if I should be scared or curious, but it's clear that there's something dangerous about her. And if she's a threat, I don't want Harris to get close to her.
KENDRA
"That was an impressive performance, mukhang hindi na ako kailangan sa banda niyo." Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. Kasalukuyang nasa backstage na kami at nagpapahinga. Nakita namin ang dalawang babaeng palapit saamin.
Nakilala ko ang isa sa kanila, pero ang nagsalita kanina ay siyang hindi pamilyar.
"Shut up, this is all your fault." Biglang sabi ni Knox at nilapitan ang babae. Nakita kong yumakap ang babae sakanya at mukhang close sila. Nakita ko kung paano umamo ang mukha ni Knox dahil sakanya.
"Sorry na. Hindi ko naman sinasadyang masiraan ang sasakyan."Pagpapaawa nito. Medyo na-curious tuloy ako sa kanya kung sino siya. Ayaw ko namang makisabat sa kanila dahil mukhang nagre-reunion pa sila.
"Thank you for volunteering, Ms. Del Verra. We really appreciate it,"- Naalis naman atensyon ko nang sabihin yun ni Solene.
Tinignan ko naman ito. I don't know why, but there's something I don't like about her.
"You don't have to thank me. It's my duty," saad ko. "I'll just consider it as our section's performance, since you didn't bother to inform us."- May pagkasarcastic na dadgdag ko. Hindi ko alam kung nahalata niya ba yun pero wala akong pakialam dahil gusto kong iparamdam talaga sakanya yun. Hindi ko alam pero may aura talaga ang babaeng ito na hindi ko gusto kahit mukha naman siyang angel sa paningin ng iba.
"Oh, I'm really sorry if that's what you think. Masyado na kaming naging busy sa preparation ng event nakalimutan naming hindi pala kayo nainform." Paghingi niya ng sorry pero mukhang hindi bukal sa kalooban talaga niya. Naikuyom ko na lang ang kamay sa inis para pigilang magsalita ng kung ano pa man.
"Ah, I forgot to properly introduce myself to your newly found vocalist, my bad." Nilahad naman nito ang kanyang kanang kamay para makipag kamay kaya tinanggap ko rin iyon "I'm Leona, by the way, the vocalist of The Lion Kings. I watched your performance a while ago, and I'm really impressed. Maybe we can recruit her...what do you think, Kings?" Nabigla na lang ako ng lumapit ito saakin at umangkla sa braso ko. Ganito ba ito? kaya ba mukhang kampante ito sa mga kasama niya? Feeling close.
"Don't bother her, Lena. She's a busy person. Remember, she's our president." Sabat naman ni Knox, if I know ayaw niya lang akong isama sa grupo. The hell I care. Hindi ko rin naman tatanggapin kahit pilitin pa nila ako.
Napasimangot naman si Leona dahil sa sinabi ni Knox sakanya.
"I'm sorry, Leona, kahit sumang-ayon din sila, hindi ko rin matatanggap ang alok niyo. Wala na rin akong agenda rito, maiwan ko na kayo."- Paalam ko sakanila. "It's nice meeting you again, Leona." Tipid na ngiti lang ibinigay dito, hindi ko naman na hinintay magsalita ang iba at nagmadaling umalis.
Pagkarating ko sa table namin, ni-ready ko na agad ang sarili dahil alam ko't samu't sari ang mga komento nila sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil pagkaupo ko pa lang, kinuyog na agad nila ako.
"OMG, hindi ko alam na may hidden talent ka pala, Kendra. Ikaw na talaga ang pinagpala sa lahat. Ano pang hindi mo alam?"- Sam. Para bang manghang-mangha, napailing na lang ako dahil sa pagiging exaggerated niya.
"Agree ako doon gurl, hindi ko expected yun infairness. Ang galing mo, itinaas mo ang bandila ng section natin."- Sang-ayon naman nito si Nyx.
"Ano ba kayo, si Kendra lang 'yan; huwag na kayong magulat kung marami pa kayong ma-discover na hindi pa natin alam." Isa rin itong si Serene, exaggerated rin. "Ano kayang nangyari kay Hestia? Nakita ko lang siya kanina rito ah. Bakit hindi siya yung nag-perform kanina?"—nagtatakang tanong naman ni Serene. Hindi ko naman alam kung sinong tinutukoy nito. Hestia?
"Sa pagkakaalam ko na late ata siya. Di ba ayaw pa naman ni Knox sa mga late." Ano raw? Ayaw niya sa late? Bakit siya? Parating late? What an irony.
"Basta, hindi pa rin ako makamove-on sa inyo ni Knox kanina sa stage." Nyx, nakangisi pa ito sa akin at tinaas-taas pa nito ang dalawang kilay na para bang nang-aasar. May hindi ba ako alam na siya lang ang nakakaalam? "Akala mo hindi ko nakita 'yon. Alam mo bang ngayon ko lang nakitang ngumiti siya nang ganoon?" Dagdag pa nito, kinilig pa ang loka.
"Nakita ko rin 'yon, bakla ka!!" Impit na tili rin ni Jessica at natawanan pa ang mga loka. Tiningnan ko lang ang mga ito na parang nahihibang.
"Pero bet ko rin yun naghawakan silang dalawa habang kumakanta sa terrified." Komento naman ni Krystal. Inalala ko naman kung kailan nangyari iyon. Bakit wala akong matandaan? Ang pagkakatanda ko kasi. Kinakalabit ko si Knox nang pasimple para sabihing saluhin ako sa mga part ko, pero mukhang walang pakialam at sa inis nito, hinila na niya ang kamay ko at hindi binitawan. Ano namang nakakakilig doon. Bwesit pa nga ako sakanya.
Hindi ko na sila pinansin at ibinaling ko na ang tingin sa harap. Napansin ko namang sina Leona at Solene sa table nila. Hindi ko alam, pero hinahanap ko yung mga feeling hari dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila pupunta sa puwesto namin. Bahala na nga sila.
"Nakilala mo na si Hestia?" Agad naman akong napatingin kay Serene. Kanina pa niya tinutukoy ang pangalang iyan.
"Sinong Hestia?"—balik na tanong ko.
"Si Hestia, ang vocalist ng banda nila Knox."
"You mean, si Leona?" Siya yung nakilala ko kasi kanina, dahil iyon ang alam kong pangalan niya. Meron pa ba?
"OMG! Don't ever mention that name in front of her. She hates being called by her second name. There's a consequence if you say it, especially if you're not close to her. So be careful, the same goes for Knox." Napaka-OA naman, pero kung sabagay ayaw ko rin namang tinatawag sa second name ko, pero exaggerated naman yung may consequence.
"I'm sorry, okay, iyon naman kasi ang sinabi niyang pangalan niya kanina. So I assumed that's really her name. I didn't know she had another one."
"Really? Well, congratulations to you."
"Wait, is that a good thing or a bad thing?"
"Don't worry, it's a good thing at least for me. Hestia doesn't get along easily with people, so if she were the one who initiated that, ibig sabihn hindi ka na niya lulubayan."
"Then that's a bad thing for me, since you said she won't leave me alone."
"Well, it's up to you how you want to interpret it."
Haist! Bakit ba hindi ako nilulubayan ng kamalasan?