KENDRA
Pagpasok ng first day of school nagmessage saakin ang school na pinapaderetso ako sa Head master office. Nasabi ko na rin kay Ara ang nangyari noong nakaraan kaya may agam-agam siya.
“Paano magkita na lang tayo sa classroom?” kung noong nakaraang linggo ay malaki ang kumpyansa niyang magkaklase kami ngayon naman ay nagdadalawang isip na siya dahil sa kwenento ko sakanya. Pero nandoon pa rin yun hindi siya nawawalan ng pag-asa.
“Mag-memessage na lang ako sayo.” Iyon na lang pinakasafe sabihin. Tumango lang ito at tuluyan na kami naghiwalay ng landas. Siya sa ay kailangan niyang hanapin ang classroom niya. Ako, hahanapin ko ang office ng head master.
“Sa head master ang tungo mo?” napabaling naman ako sa kabilang side ko. Nakita ko naman si Serene.
“Oo”
“Sumunod ka na lang saakin doon rin ako pupunta.” Tahimik na sumunod na lang ako sakanya dahil sa totoo lang hindi ko alam ang pasikot-sikot sa school na ito.
Pagkarating namin sa harap ng pinto ng office ng head master, kumatok siya ng tatlong beses bago ito marahang binuksan. Tahimik ang buong paligid, tila ba bawat galaw ay may bigat. Pagpasok pa lang namin, agad kong napansin ang lugar—hindi ito 'yung tipikal na office tulad ng sa mga principal. Mas maihahalintulad ito sa mga executive offices ng mga CEO—gaya ng office ni Dad.
Umaapaw ang kombinasyon ng modern elegance at executive power. Ang desk ay malaki at imposibleng hindi mapansin—gawa sa dark wood, sleek at maayos na nakaayos ang mga files at monitor sa ibabaw. Sa likod nito, may built-in shelves na may warm lighting, pinapatingkad ang mga naka-display na libro at dekorasyon.
Sa isang gilid ng silid, may cozy na sitting area: isang white couch, dalawang black leather chairs, at isang glass coffee table. Sa gitna ng espasyo, nakatayo ang isang sculptural art piece na nagdadagdag ng classy na vibe—simple pero elegante.
Kahit ang mga dingding at kisame, hindi rin nagpahuli. Ang isang bahagi ng pader ay may bold na disenyo ng mga sanga, na nagbibigay ng natural at textured na dating sa buong lugar. Samantalang ang kisame ay may recessed lighting at glowing panel lights na lalong nagpapa-sophisticated sa ambiance ng opisina.
Pero ang nakapagtataka ay walang tao roon. Okay, lang kayang pumasok na kami agad?
“Siguro dito na lang muna tayo maghintay.” Nauna naman itong umupo sa couch kaya sumunod rin ako. Matagal na katahimikan ang namayani saamin. Pero maya-maya lang ay pinutol na rin niya yun.
“Wala ka ring bang class na natanggap?” bigla naman akong napatigil at napatingin sakanya. Tinutukoy niya ba ang section? so meaning kaya nandito rin siya dahil pareho kami ng sitwasyon.
“Ayaw ko mang mag-isip ng iba… pero mukhang alam ko na kung ano kahihitnan natin.” Dagdag pa nito.
“What do you mean?” Nalilitong saad ko.
“Yung nangyari noong nakaraan… I think magre-reflect ‘yon sa section natin. Sana lang mali ako,” sagot niya, halatang nag-aalala. Tatanungin ko pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto sa kabilang side. Pumasok ang isang babae—mukhang nasa late 40s na—at dumiretso sa desk. Hindi ko man lang napansin na may pinto pala doon.
“Good morning, You must be Kendra Del Verra and Serene Acosta.” Deretsong sabi nito.
“Good morning, head master.” Bati namin sakanya.
You can clearly see her strictness, but not in the authoritarian way we usually imagine. Maybe she's more of an authoritative type.
“I’m going to be straightforward with both of you,” panimula niya. “Because of the fight you caused recently, I received numerous complaints. The board has decided on the consequence you must face—and placing you in the Black Section was their final decision.”
“Huh? Isn’t that punishment a bit too much, Head Master?” mabilis na sabat ni Serene.
“Actually, you were given two options—it’s either you get terminated or you get assigned to the Black Section. The board chose the latter. Despite everything, we still recognize your credentials. It’s up to you—take it or leave it.”
“How about the other students na sangkot rin sa away are they also giving the same consequence?” naalala ko yung olivia na iyon. I know she’s popular here at kung hindi ako nagkakamali ay isa raw sila malaki ang share sa school na ito pero hindi ako papayag na hindi rin sila paparusahan.
“No, but they’re also facing consequences.” Psh, madaya. For sure, kung ano man parusang ibinigay sakanila hindi kasing lala ng saamin. Kung tutuosin mas malaki pa nga ang kasalanan nila. “So, have you decided?”
“Okay, we’ll take it.” Labag sa kalooban kong sagot.
“You may leave now.”
“But, ma’am pwede po bang magcommunity service na lang. Huwag na lang po sa Black section.” Biglang suhesyon naman ni Serene. Mag-isa niya, ayokong maglinis kaya.
“I’m sorry miss Acosta pero iyon lang ang tanging option.” Makikita mong masyado siya hopeless. Hanggang sa makalabas kami ay hindi pa rin ito kumikibo. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya.
“Hey, hindi naman siguro ganun kasamang mapunta sa Black Section hindi ba? At least dito ka pa rin makakapag-aral.” To be honest, I really didn’t know how to comfort her.
“Madaling sabihin ‘yan para sa’yo… pero hindi mo alam kung anong klaseng lugar ang pinasok mo,” seryoso niyang sabi.
“Why? Have you already been there for you to judge?"
“No, but I’ve seen enough. Halatang wala kang alam eskwelahang pinasukan mo.” Walang buhay na turan niya at umalis. Natahimik naman ako sa sinabi niya iyon. Aminado akong wala akong pakialam kung saan ako papasok pero may pakialam naman ako sa pag-aaral ko. Naiwan akong mag-isa sa hallway narinig ko na lang ring bell hudyat na dapat nasa klase na ang lahat pero ako nasa labas pa rin.