CHAPTER 12 (Auction DAY)

2136 Words
SELENE Natapos na ang buong linggo at ito na ang pinakahihintay ng lahat—ang Acquaintance Day. Open ito para sa lahat ng students kaya walang klase ng dalawang araw. Kahapon nag-start ang acquaintance ng mga college department, at ngayon naman ay para sa amin, mga senior high school. Ito rin ang pinakaunang araw na sobrang busy kami dahil sa mga activities na nakatoka sa amin. Kahit hindi tulad ng ibang sections na kailangang magtayo ng booth, kami naman ay nanghiram ng function hall para gamitin bilang venue sa auction. Hindi ko alam kung paano naayos nina Kendra at Knox ang venue, pero hindi na rin nakapagtataka dahil maimpluwensya ang mga pamilya nila—na-research ko ‘yon. Si Knox, dahil dati ko na siyang schoolmate, may idea na ako sa background ng pamilya niya. Pero nagulat ako nang malaman ko ang background ni Kendra. Hindi ko inakalang ganoon pala kayaman ang pamilya nila. Bagamat halata sa pananamit at kilos niya na may kaya sila, hindi mo agad mahahalata kasi halos lahat ng nag-aaral dito ay mayayaman. Pero si Kendra, ibang-iba siya. Galing siya sa wealthy family kumbaga pang royalty ang status nito sa buhay pero hindi niya ‘yon ipinagmamayabang. “Lahat ba maayos na?” Nabalik ako sa ulirat nang marinig kong nagsalita ang aming president na si Kendra. Sa tagal kong nag-aaral dito sa Nexus Academy, kilala ang Black Section na happy-go-lucky lang—kumbaga chill lang sila. Hindi nga sila nakikisama sa mga ganitong activities. Makikisama lang sa meeting pero hindi talaga nakikibahagi. Pero ngayon? Ang Black Section ang pinakabusy sa lahat! Sinama pa ni Kendra ang Grade 12 Black Section dahil alam niyang hindi ulit sila makikipag-participate. Yung iba lang ang nainganyong sumama, kasi matitigas talaga ang ulo ng karamihan sa kanila. “Pres, maayos na lahat. Mag-oopen tayo ng 3 PM, then by 4 PM start na ng auction,” sabi ni Jessica, na may hawak na clip board ng listahan. “Nakaready na rin, Pres, ang mga i-auction. Nakalagay na sila isa-isa sa mahiwagang glass box,” sabay ngiting excited ni Nyx. “Make sure na walang mawawala. Hezron, Riego, kayo ang aatasan kong magbantay ng mga items. Hindi natin alam ang mangyayari, baka may manubotahe. We should prepare ourselves,” utos ni Kendra sa mga ito. “Yes, Pres,” sagot ni Riego, habang si Hezron naman ay mukhang nadawit lang, pero nagpapasalamat na rin kami kasi kahit papaano ay nakikisama siya. “Ikaw, Selene, natapos mo na ba lahat ng pinapagawa ko?” tanong ni Kendra sa akin. “Oo, Miss Pres. Kinontak ko na yung mga bidders na gustong lumahok. Naayos ko na rin yung flow ng presentation para mamaya. May mga special guests rin daw na darating—baka pati si Head Master manood. Tapos na rin sina Claire at Samantha na ikalat ang flyers at posters natin for the auction.” “Good. How about our Masters of Ceremony? Ikaw ba ang mag-eemcee?” “Hindi po, Pres. Nag-volunteer yung president at vice ng Grade 12 Black Section. Binigyan ko na rin sila ng script, kaya wala ka nang iisipin. You can rest na. Kanina ka pa nagtatrabaho.” Nag-aalalang sambit ko. “I’m fine. Mamaya na lang ako magpapahinga kapag sigurado na akong tapos na ang lahat.” Napailing na lang ako. Dinaig pa niya ang president ng buong SGO. Pero in fairness, sila naman ang nag-oorganize ng Acquaintance Party mamayang gabi. Pagpatak ng 3:00 PM, nagsidatingan na ang mga gustong makilahok at manuod. Ako at si Jessica ang naka-assign sa pre-registration. Hindi ko inaasahan na marami rin palang gustong sumali, kaya kinakabahan, na-o-overwhelm din kami. By 3:30, gumawa kami ng mga paunang presentations para hindi mabagot ang mga manonood at maiwasang umalis. 🎤 HOST 1 (Clara): Good afternoon sa inyong lahat, at welcome sa Senior High Acquaintance Day: Kindness Auction for a Cause. I’m Clara, ang inyong auctioneer ngayong hapon. 🎤 HOST 2 (Darline): At ako naman po si Darline, ang co-host ninyo para sa espesyal na okasyong ito. Lahat ng malilikom natin ngayong hapon ay mapupunta sa ating napiling charity—kaya siguraduhing handa kayong mag-bid, tumulong, at magsaya! AUCTION RULES (Darline): Bago po tayo magsimula, narito po muna ang ilang paalala: Ang bawat item ay may starting bid price. Ang bawat bid ay kailangang may minimum na dagdag mula sa huling bid. Kailangang Itaas lamang ang inyong number card kung nais ninyong mag-bid, at ituturo po namin kayo. Kapag kayo na ang highest bidder at walang sumunod after the countdown, sa inyo na po ang item. At ang huling paalala: No take-backs po ang bid. Please bid responsibly. Clara: Tama po! Sa bawat halaga ng inyong bid, may katumbas itong tulong sa ating beneficiaries. Kaya sana po ay bukas ang inyong mga puso… at mga wallets! – Infainess hindi nagging boring ang pagiging emcee nila talagang attentive sila. [ITEM AUCTION] Darline: Simulan na po natin! Our first item for this afternoon is a beautifully handcrafted set of Kundan jewelry, personally made by Miss Krystal Legaspi Grade 11 Black Section. It’s made with pearls and crystals. And even though the gems aren’t real, this jewelry was made with love—and I’m sure you’ll love every piece of it. So let’s start the bidding at ₱2,000.00! “Sino po ang mag-o-open ng bidding?” nagulat ako maraming gusting makuha ang first bid at kanya-kanya sila ng taas ng kamay. Majority syempre ang mga girls. Ibang klase din kasi ang design at halatang mabusising ginawa, unique at hindi papatalo sa fashion trends. Infairness may talent itong si Krystal pala. (Raise of hand) We have ₱3,000! May tataas pa po ba? ₱3,200, yes—thank you. May ₱3,500? ₱4,000, going once… going twice… ₱4,500! Very good, we now have ₱4,500! “₱7,500” ₱7,500 going once… going twice… and… SOLD to the lady from Section Pearl! Congratulation!” Natutuwa kami sa umipisa ng auction lahat ng nakikita naming unti-unting nagbubunga ang pinagpaguran namin. Nagtuloy-tuloy pa ang mga auctions, at habang tumatagal, lalo pang lumalaki ang bidding at lalong nagiging exciting, akala ng iba dati na hindi magiging success ito pero naniwala kami sa pinakita ni Kendra na hindi siya sumuko at talaga tinulak niyang gawin namin ito. [NEXT ITEM AUCTION – THE PAINTING] “Our next item is a painting titled “The Beauty” created by Miss Serene Acosta. At first glance, you might think it simply portrays a beautiful woman standing on a sidewalk. But behind that image lies the hidden struggles and burdens carried by the woman in the painting—things not meant to be seen by others. If you’re curious to know more, you may personally ask the artist herself. But first, this meaningful artwork deserves to be in your collection. So, let us begin the bidding at ₱20,000.00.” Paliwanag ni Clara. Bigla naman akong kinabahan ng ipinakita na ang item na galing saakin. Hindi ko alam kung may magkakagusto ba sa gawa ko. Walang nakakaalam dati na mahilig akong magpainting at kung hindi sana nangyari ang g**o dati noong entrance exam siguro nasa Lavander Section ako. But thankful na rin na napunta ako rito kahit ayaw pa ng pamilya ko. “ ₱23,000!”- Nakita ko namang nagtaas ng kamay ang isang babae. Hindi siya estudyante rito, sigurado ako ro’n. “₱30,000, yes—thank you,” sabi ng isang lalaki mula sa Section Crimson. “May ₱35,500?” “₱36,000, going once… going twice…” “₱38,000! Very good, we now have ₱38,000.” “₱40,000 going once… going twice… and…” “₱42,000 going once… going twice…” “₱150,000!” - Nagulat kami nang biglang magtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Huwag mong sabihing mahilig siya sa paintings? Mukha namang hindi, base sa personality niya. Pero ang hindi ko talaga inaasahan ay… gumastos siya ng ganun kalaking halaga para sa simpleng painting ko. Actually, last minute ko nang ginawa dahil wala akong maisip na i-auction. Pero hindi ko akalain na hahantong sa ganito. Hindi naman niya siguro babawiin hindi ba? “₱150,000 going once… going twice… SOLD na po kay Mr. Jairo Emmerson ng Black Section! Congratulations.” Pinasadahan ko naman ito ng tingin bago ito pumunta kina Krystal para magperma for formality na nakuha niyang item. Hanggang ngayon palaisipan pa rin saakin bakit siya gumastos ng ganun kalaki. Siguro baka gusto niya lang talagang tumulong? “Our next it-… Okay, so may we call Miss Kendra Del Verra to come up here at the stage.” Nagtaka naman kami ng biglang sabihin iyon ng mga Host. Hindi namin alam kung bakit at maging siya ay nagtataka rin pero sumunod na lang ito. Halata mo sa kanya ang pagod pero maganda pa rin ito at eleganteng tignan. Meron siya yung aura talaga na hindi mo maalis ang tingin once na tinitigan ka niya. Hindi ako lalaki pero nararamdaman ko yung vibe na iyon yung para ka niyang nahi-hyponotise sa tingin siguro dahil sa hazel na mga mata nito. “So our last auction for this afternoon is not an item—but a person! Yes, you heard that right! This time, we’re auctioning a date experience with one of the most popular students here in school—and class president of the Black Section Miss Kendra Del Verra!"- Napanganga naman ako sa sinabi nila. Maging si Kendra ay hindi makapaniwala. Wala ito sa script shocks! Lagot ako. Bigla akong nagpanic. Nakita kong natingin ito sa gawi ko waring natatanong kung anong nangyayari. Hindi naman kami makapagsalita dahil maraming mga tao at hindi pwedeng putilin ng ganito ang event. Narinig naman naming naghiyawan halos lahat ng tao lalo na ang mga kalalakihan. Para bang gusto nila ang idea na iyon. Patay ako nito! Anong gagawin ko!? “He/She? will accompany the highest bidder for a 1 week friendly date lang naman. Don’t worry dahil may nakaset na mga rules na kailangan nilang sundin sa loob ng isang linggo. At kung sino ang lumbag sa rules ay siyang magbabayad ng penalty at ang penalty ay personal na makikita at mababasa nila ng silang dalawa na lamang. Siyempre, all proceeds will still go to our chosen charity, kaya habang napapasaya ka, nakakatulong ka rin!” “So let’s not prolong this anymore let’s start the bid at ₱ 300,000.00. Any takers? ”- Napanganga naman kami dahil sa sinabi nilang iyon. Seryoso ba sila? May estudyante bang gagastos ng ganun halaga pero alam ko namang hindi pipitsugi si Kendra noh. Maliit na halaga lang iyan sakanya. “₱ 400, 000.00” Sabi ng lalaking taga Crimson. Pero infrainess may ibubuga naman mukhang okay pero satingin ko hindi tipo ni Kendra ang mga ganyan. Ano ba itong naiisip ko. “₱500,000”- Sabi ng taga Pearl Section na lalaki. Shocks, half million na. “₱650,000, going once… going twice…” “₱750,000!” “₱ 800,000!” “Very good, we now have ₱800,000.”- Nagbibiro ba itong mga studyante na ito? Hindi na ako makapaniwala. “₱1, 000,000” – Napanganga naman ng makitang nagtaas ng number si Jameson. OMG? Sabi na nga ba may hidden desire din ang lalaking ito. “₱1, 000,000 going once… going twice… and…” “₱2, 500,000” – Lalo akong napatanga ng magtaas ng kamay si Davis. Hindi ko ba nasabi sainyo na isa siya sa pinakapopular dito sa school dahil sa overall package na lahat. At siya ang crush ko sa Cream Section dahil sa bait niya. Pero huwag mong sabihin na may gusto rin siya kay Kendra. Sayang naman. Pero no hard feeling kung sakanya mapunta alam kong nasa maayos naman si Kendra if ever. “₱2, 500,000 going once… going twice… and…” “₱ 5,000,000.00”- Shocks. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pero Wow, wala akong masabi para kay Kendra. Grabe rin pala ang alindog ng babaeng ito. Tinignan ko naman ang lalaking huling nagtaas ng number na iyon. Hindi ako makapaniwala. “₱ 5,000,000.00 - going once… going twice… SOLD to Mr. Reigo Jimenez ng Black Section! Thank you and Congratulations. Mr Jimenez.” “Dito na po nagtatapos ang ating Auction for a Cost. Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at sumali sa ating auction. Hindi lang po kayo nakakuha ng magagandang items o experiences, pero nakatulong din po kayo sa isang makabuluhang adhikain.” -Darline “Let us continue to enjoy the rest of today’s celebration. Once again, this has been your Kindness Auction for a Cause. Mabuhay po kayong lahat! Thank you and have a pleasant day!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD