Tala's POV: "Samara, how's your Mom?" Nagsisimula na silang kumain lahat sa hapag habang ako ay nakatayo sa gilid ng entrance ng hapag, nakapila kasama ang iba pang mga maid na naka-assign sa pagaasikaso sa pamilyang kumakain ngayon sa hapag. Mula rito ay rinig na rinig ko ang mga pinaguusapan nila dahil wala namang ibang ingay dito sa bahay. "She's good naman po, Tita. She even asked me to ask you how are you doing as well? Ilang years na raw po kayo hindi nagkikita ni Mommy, right?" "Ah, yes Hija. It's been years already since I last saw your Mom. It's good to hear that she's doing good. How about your acads, Mara?" "I'm doing well naman po sa acads. Rank 1 pa rin po ako sa overall ranking ng course po namin." Maganda, mayaman, matalino, lahat na yata talaga ay nasa kaniya na. Must

