Gone are the days when women were forfeited to voice out their opinions. I vow to bring equity, solidarity, and security to my beloved countrymen.
Diretso ang aking tingin habang matuwid na nakatindig sa harap ng ilang libong tao. Lahat ng mga mata nila'y sa akin nakatuon, sa bawat pagbuka ng aking bibig ay matamis na ngiti ang kanilang tugon. Halos walang kumukurap habang patuloy kong sinasambit ng buong puso ang panunumpa ng aking katapatan.
“I do solemnly swear that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President of the Philippines, preserve and defend its Constitution, execute its laws, do justice to every man, and consecrate myself to the service of the Nation. So help me God.”
Poverty is the worst enemy of my country. As long as I am the President, there will be no one that will die from starving.
Masigabong palakpakan ang isinagot ng lahat nang matapos kong bigkasin ang aking panunumpa. Agaran ang paglapit sa akin ng mga tao habang nakalahad ang kamay. Tinanggap ko ang kanilang kamay nang may ngiti sa aking labi.
“Congratulations Miss Lhexine, sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Senior President Sawyer para sa 'yo,” masayang sambit ni Mr. Alcazar habang hawak ang aking balikat.
“Kung naririto lamang ang Lolo mo ay nasisigurado kong abot tainga ang ngiti no'n,” dagdag pa nito.
Tumawa ako dahil sa tinuran ng matanda. Ito na ang panahon na pinakahihintay ni Lolo, hindi ko lubos akalain na tatahakin ko ang landas na iginuhit niya para sa akin. Naaalala ko pa kung paano ako tumatanggi sa kaniya noon sa t'wing sasabihin niyang balang araw ay magiging Pangulo rin ako ng Pilipinas tulad niya.
Katulad ng sinabi niya noon, darating ang araw kung saan hindi na magiging batayan ang edad at sekswalidad para tingalain bilang lider ng isang bansa. Bago matapos ang termino ni Lolo ay sinigurado niyang matutuldukan niya ang mga batas na pipigil sa akin para maging isa sa pinakabatang Pangulo.
“Sigurado po akong masaya siyang nagbubunyi habang pinapanuod ako kung nasaan man siya ngayon.”
Muling tinapik ng matanda ang balikat ko bago nakangiting magsalita, “Nararamdaman kong malapit nang magising sa malalim niyang pagkakahimbing sa Felix, ngayong nakaupo ka na bilang lider ng bansa hindi niya hahayaang wala siya sa tabi mo sa una mong hakbang. Ipanalangin natin ang agaran niyang paggaling.”
Labing-limang taon na ang nakakalipas nang mangyari ang pangalawang trahedya sa buhay ko, ang gabi kung saan huli kong nasilayan ang magandang ngiti ni Lolo. Isa gabi habang abala ang lahat sa pagdiriwang ng aking ika-13 kaarawan ay muli akong nalagay sa bingit ng kamatayan.
Hindi inaasahan ang pagsugod ng mga bandidong grupo sa mismong pagdiriwang ng kaarawan ko. 'Yon din ang araw kung saan ipinagdiriwang ng buong bansa ang tagumpay ng New Robonation Project of 2035 kung kaya't maraming politiko, businessman, foreign affiliates, mga importanteng tao mula sa iba't ibang departamento at sangay ng gobyerno ang dumalo nang gabing iyon.
Sinamantala ng mga hindi kilalang grupo ang pagkakataon para sirain ang lahat. Muli kong naranasan ang paulanan ng putok. Nasaksihan ko sa kung paano dumanak ang dugo ng napakaraming tao, na puno ng iyakan at sigawan ang kaarawan ko.
Akala ko ay katapusan ko na, muntik na akong tamaan ng bala kung hindi lang ako niyakap ni Lolo para protektahan. Iyon ang dahilan kung bakit siya nakaratay sa ospital at nahihirapan hanggang ngayon. He is in a coma for 15 years now.
“Congratulations Lhexine or maybe I should start calling you Madame President,” nakangising bati sa akin ng kasamahan kong si Angelic.
Niyakap ko siya at saka sumagot, “Oh come on, you can still can me b***h if you want to root in jail.” Kumindat ako sa kaniya at saka nagsimula nang maglakad.
Panay ang bati sa akin ng mga taong nakakasalubong ko. Gustuhin ko mang tumigil upang paunlakan sila ng kahit kaunting oras para sa pag-uusap ay hindi ko na magawa. Sa unang araw ko bilang Presidente ay tambak na agad ang dapat kong gawin, wala na akong oras para makipagbeso man lang.
“They are all waiting for you Madame,” nakayukong salubong sa akin ng sekretarya ko.
Huminga ako ng malalim, kailangan kong isantabi ang personal kong emosyon ngayon. Tulad ng sinabi ni Lolo sa akin noong bata pa ako, hindi dapat mabasa ng kalaban ang kilos o emosyon ko. Sa loob ng silid na papasukin ko ay puno ng mga importanteng tao, ilan sa kanila ay kaibigan ngunit karamihan ay kaaway na nagbabalatkayong kasangga.
They can't fool me, I know who my nemesis is.
“You'll be fine Lhexine, you can do it.” Tinapik ni Anj ang balikat ko bago binuksan ang malaking pinto ng silid.
Agarang tumayo ang lahat ng tao sa loob ng silid nang makitang ako ang pumasok. Nabura ang ngiti ng lahat nang makitang seryoso ang aking ekspresyon. Hindi ko kayang magpakita ng ngiti habang nasa loob ako ng kulungan ng mga leon na nagpapanggap na tupa.
Inilibot ko ang aking paningin, inisa-isa kong titigan sa mata ang dalawampung myembro ng National Unity Department Association. Lahat sila ay yumuyuko sa oras lumalapat ang tingin ko sa kanila maliban sa isang lalaki, Vaughn Cohen Salazar.
Sinalubong niya ng ngisi ang malamig kong titig, ipinilig pa niya ang ulo na para bang sinisipat ang kabuuan ko. Walang modo, mahahalata mo agad kung kanino siya nagmana.
“Madame President,” sabay-sabay ng wika ng mga ito habang nakayuko pa rin.
“Skip the introduction and let's proceed with the agenda of our first meeting,” malamig na tugon ko sa pagbati nila.
Gusto ko na lang matapos ang pag-uusap na ito sa lalong madaling panahon, hindi ko kayang magtagal sa iisang silid kasama ang mga taong may pakana ng pagkamatay ng napakaraming tao labing-limang taon na ang nakakaraan. Nagngingitngit ako sa galit sa t'wing makikita kong prenteng nakaupo sa tapat ko ang anak ng pumatay sa mga magulang ko.
Ang tigas talaga ng mukha ng mga Salazar, nagawa pa nilang padaluhin ang hambog nilang anak kahit na alam nilang malaki ang galit ko sa pamilya nila. Balang araw ay makakaganti rin ako sa kanila, mabibigyan ko rin ng hustisya ang pagpanaw nila mama at paghihirap ni Lolo.
Nagsimulang banggitin ni Sandra ang lahat ng mga importanteng detalye. Nang matapos siya sa sinasabi ay may inayos siya saglit sa main computer para automatikong mabuhay ang mga hologram na nasa tapat namin. Bawat isa ay nakatingin sa hologram na nagpapakita ng visuals.
Tumayo ako at seryosong humarap sa kanila bago magsalita, “Senior President Felix Sawyer once said that being a President isn't all about a title or a position to gain power and authority. It is about being a leader that screams his action and example. We can always find someone to act as President, but it takes a lot of effort to meet someone who will passionately, bravely, and genuinely influences his people.”
Hindi ko akalaing ang una kong pahayag bilang Pangulo ng bansa ay ang sentimento ni Lolo. Tama siya na darating ang araw na magiging mahalaga ang bawat kwento niya, sana pala ay nakinig na lang ako sa kaniya noon.
“Lumaki ako sa mga pangaral ng aking Lolo, bawat araw na nagdaan noong bata pa ako ay lagi ako nitong sinasabihan kung paano maging isang mahusay na lider. Hindi ko lubos akalain na darating ang araw na dati ay tinatanaw lang ni Lolo,” dagdag ko pa.
Nakita ko ang pagtango ng karamihan, ang ilan sa kanila ay ngumiti sa akin habang ang ilan ay seryoso lamang na nakikinig.
“Makikita ninyo sa hologram ang listahan ng mga binabalak kong proyekto sa unang taon ko sa aking termino. Handa akong makarinig sa inyo ng mga katanungan, suhestiyon o kritisismo para mabigyang pansin.”
Agad na binasa ni Sandra ang mga nakalista kong proyekto habang ako naman ay umupong muli at uminom ng tubig. Mula sa peripheral vision ay nakita kong nakatingin sa akin si Vaughn Cohen Salazar habang nakangisi.
Nakataas ang kilay kong sinalubong ang tingin niya nang ibaba ko ang tubig na ininom ko. Sa halip na mag-iwas ng tingin ay pumangalumbaba pa ito at kumindat.
“Do you have any questions for me Mr. Salazar? You've been scanning me all this time like you have something important to say,” sarkastikong sambit ko.
Narinig ko ang pagsinghap ni Angelic sa gilid ko nang sabihin ko iyon. May problema ba sa tanong ko? Totoo namang nakatitig sa akin ang hinayupak.
“Nothing Miss President, I am just mesmerized by your beauty.” Hindi ko mapigilan ang pag-irap nang marinig iyon. Well typical dumbshit playboy under my administration.
“Is there anyone who has a sensible question about my proposed project?” tanong ko at piniling isnabin na lang ang walang lamang sambit ni Salazar.
Nagtaas ng kamay ang Deputy Chief ng National Defense Committee. Tumango ako sa kaniya bilang pagbibigay permiso na maaari siyang magsalita, “You are planning to finance the Philippine Manufacturing Company of Firearms, how much budget do you have in mind Madame President? Don't you think that it will be too expensive to start a manufacturing company rather than to import weapons from other countries?”
Tumango ang ilan sa sinabi ni Chief Alfeche, habang nanatili namang walang imik ang iba at piniling makinig na lamang.
“Aangkatin din naman natin ang mga materyales na gagamitin sa paggawa ng mga b***l, kakailanganin din ng budget sa iba pang additional expenses. Sa palagay ko ay hindi praktikal ang naiisip mong proyekto Madame,” sambit naman ng representative ng Economic Finance Department.
Hinintay ko pang matapos ang lahat ng sinasabi nila bago ako sumagot.
Why do these shitheads only think about money? I'd rather waste a million dollars than to lose a single head of my countrymen. We need to strengthen the security of our country, we need to get ready for war.
“I totally understand all your concerns, pero sa tingin niyo ba ay hindi ko naisip ang lahat ng iyan nang maisipan kong i-proposed ang proyektong ito?” tanong ko sa kanila habang matamang nakatitig sa Deputy Chief.
“I already think all the possible loopholes of this project. Those are practicality, effectiveness, and efficiency. The reason why I want to push this project is to stabilize the country's security and standing.” Tumayo ako at lumakad paikot sa mga nakaupong myembro.
Palibhasa mga mukhang pera kaya gastos lang ang inaalala.
“Kung iisipin, hindi ba't mas mainam nang gumastos ng malaki sa isang bagsakan kaysa maliit na gastos pero paulit-ulit? Mababawi rin natin ang ginastos sa loob lamang ng ilang taon sa oras na maperpekto natin ang proyektong ito. Sa halip na tayo ang umangkat sa ibang bansa ay magkakaroon tayo ng pagkakataong maging supplier nila, mas de kalidad na mga b***l ang gawang Pinoy.”
The Philippines is far way different from what it was thirty years ago. It is now listed as one of the First World Countries, I need to make sure that we will remain on top even after my term.
Increasing the economic standing is not my top priority, mine is to secure the lives of millions of Filipinos. My administration will strengthen the power and security of every single person. No one will be left behind, we will not let our guards down just like what happened fifteen years ago.
Naging pabaya ang Lolo ko noon dahil sa pagiging mabait niya. Madaling nakuha ng kalaban ang tiwala niya hanggang sa hindi niya namalayang dahan-dahan na pala siya nitong sinasaksak sa likod.
Naging matatag ang pundasyon ng bansa nang yakapin nito ang robotics and prototypes, dumami ang katulad ni NADA. Nagtagumpay ang New Robonation Project niya, subalit nalagay sa alanganin ang lahat habang tumatagal.
The Philippines was almost wiped out by the domination of illegal migrants. Nang matutong gumawa ng sariling desisyon ang mga katulad ni NADA, sinubukan nitong sakupin ang buong bansa.
Someone controlled the New Artificial Database Ally's system. They inserted a malfunction virus na hindi kinayang alisin ng mga robotics engineer. Napilitang pasabugin ang mga ito at isara ang proyektong pinaghirapan ng marami, habang ang kawawa kong Lolo ay tuluyan nang hindi gumising sa loob ng pagkaka-comatose nito.
Those illegal migrants will pay for what they did to my grandfather. I know that one day they will come back, they will try to rule all the weaker countries. They will dominate the world and they will kill all forms of humanity.
I will never let the Philippines fall under their power, as long as I am the President those f*****g robots can not enter our land again.