Cryptic Message

2537 Words
HAWAK ang isang bagong sniper g*n, sinipat ko ang malayong target. Isang kalabit lamang sa gatilyo nito ay kaagad nang bumulusok ang bala patungo sa target. Rinig ko ang palakpak ni Chief Alfeche, Deputy Chief ng National Defense Committee nang nakitang sakto sa target area ang tama ng balang pinakawalan ko. Ibinaba ko ang hawak na b***l, pinaikot ko ang suppressor sa nguso nito para alisin. Muli kong inekasamina ang mga parte ng sniper g*n na ito, nang nakitang perpekto ang pagkakagawa ay tumango ako. Nagtagal pa kami ng halos isang oras sa pagsuri ng iba pang b***l. Bawat parte ay sinigurado kong mataas ang kalidad ng materyales na ginamit. Kaagad kong ibinabasura ang mga b***l na may kahit na kaunting pagkakamali lamang. Ni kaunting gasgas ay binabatikos ko. Matapos inspeksyonin ang mga b***l ay kumain na muna kami ng tanghalian. Kasama ko ang bawat department head ng National Defense, Armed Forces, Russian Ambassador at ang iba pang mga importanteng tao sa ganitong larangan. Ala una nang natapos sa tanghalian ay kaagad na kaming dumiretso sa conference room. Doon pag-uusapan ang lahat ng tungkol sa mga weapons, mula sa manufacturing process hanggang sa effectivity ng mga iyon. Dahil sa maalam naman ako sa mga b***l, hindi na mahirap sa akin ang proyektong ito. I spent almost five years in the military academy in Russia. I enrolled for different classes just to learn these things. I know how to assemble and disassemble any guns. I can use the any type of handguns and long guns without any difficulty. "How far can those snipers shoot?" Nabaling sa akin ang tingin ng lahat nang putulin ko ang pagpe-presenta ng Canadian g*n specialist sa harap. Siya ang chief firearm engineer na lumikha ng pinaka-unang high quality sniper sa Pilipinas. The Russian Defense Ambassador is silently listening to the presentation. Nakapikit lamang ang mata niya habang nakapangalumbaba, kung hindi mo siya kilala, siguradong iisipin mong natutulog lamang siya. Noong una kong nakilala ito akala ko'y hindi siya nakikinig sa presentasyon ko. Ngunit nang natapos ang aking diskusyon nang oras na iyon ay pinaulanan kaagad niya ako ng mga tanong at pinuna ang lahat ng loopholes sa mga sinabi ko. Doon ko nalaman na ganoon pala ang paraan niya ng pakikinig. Ambassador Kuznetsov is a retired military high ranking official in his country. His name is written in their history book, he contributed a lot to the weapon and defense system of Russia. He's a close friend of Uncle Rhodes, he became my mentor when I was in the academy. As soon as he heard about my first project, he immediately offered his help. "Its manufacturer says, its effective firing range is 3450-meter shot, which took about 10 seconds to reach its target," the g*n specialist answered. "Canada has a world-class sniper system," Ambassador Kuznetsov interrupted, "But you shall not rely only upon your weapon. You have to learn the Russian way of calculating the precise application of force and strategy." Doon pa lamang dumilat ito nang magsalita siya. Ang tingin niya'y direkta lamang sa harap, hindi nag-abala pang igala ang tingin sa ibang mga kasama. Ramdam ko ang awtoridad sa paraan ng pananalita niya, wala ni isa sa mga kasama ko sa silid na ito ang nagtangkang salubungin ang kaniyang tingin, natatakot na sa oras na magtagpo ang kanilang mga mata'y bigla na lamang sila nitong hingan ng opinyon. Sa postura niya mukhang hindi siya tatanggap ng maling sagot, tila ba ipapahiya ka niya sa oras na makapagsabi ka ng kahit isang pagkakamali. "Long-range shots are, because of luck. In this longest shot, only one milliliter wrong in aiming will end up around 3 meters and a half in the target area," malalim ang boses niya nang idugtong ito. Manghang nakikinig lamang ang mga kasama namin. Miski si Chief Alfeche ay halos malaglag ang panga sa pagkamangha sa bawat salitang binibitiwan ng Russian Ambassador. Hindi ko napigilang ngumisi sa aking mga kasama, nakikita ko sa kanila ang aking hitsura noong una kong nakasama sa silid ang Russian Ambassador na ito. Lumingon sa akin si Mr. Kuznetsov marahil ay nahagip ng tingin niya ang pasimple kong pagngisi. Wala talagang nakakalampas sa paningin ng matandang ito. Diretso kong sinalubong ang tingin niya habang nakataas pa ang kilay. Dahil sanay na ako sa presensya niya ay hindi na ako nai-intimidate pa kahit na ang ibinubugang hangin niya sa kuwartong ito ay punong-puno ng awtoridad at kahusayan sa larangang ito. The years I spent in his class made me comfortable with him, he became my best mentor over those years. Silang dalawa ni Uncle Rhodes. "What do you think, President Sawyer?" Bago ako sumagot sa kaniya'y bahagya muna akong tumahimik, inisa-isa kong tingnan ang lahat ng tao sa loob ng silid na ito. Naabutan kong mataman ang titig ni Vaughn sa akin habang prenteng nakaupo katabi ang Tito niyang head ng AFP, tila naghihintay sa aking sasabihin. Ngumuso pa ang loko nang nakitang sinulyapan ko siya. Agad din namang nagseryoso nang ilipat ni Mr. Kuznetsov ang tingin sa kaniya. Tss takot palang matawag sa recit! "I agree with you, Mr. Kuznetsov," paunang sambit ko at saka umayos ng upo, "the bullet starts to slow once it leaves the barrel. It'll lose velocity and energy because it has to fight the wind and gravity." Lahat nang sinambit ko ay natutunan ko mismo sa kaniya. Ito ang turo niya sa amin noon na mga naging estudyante niya. Palagi niyang ipinapaalala sa amin na hindi porke mataas ang kalidad ng armas na hawak namin ay mananalo na kami sa laban. Kailangan naming isipin na importante ang tamang kalkulasyon, mula sa hangin at gravity na magpapabagal sa bulusok ng bala hanggang sa eksaktong pag-asinta at tamang posisyon. Tinuro rin niya na ang pagbaril ay ginagamitan ng isip. Hindi puwedeng b***l ka lang nang b***l, mauubos mo ang bala ngunit matitira ang kalaban. Gaano man kagandang uri ng b***l ang hawak mo, kung hindi ka marunong umisip ng estratehiya para manalo sa laban ay tiyak na madadaig ka ng iba. Hindi sa dami ng bala nakasalalay ang pagkapanalo, kun'di sa mga taong magpapakawala nito. "What do you suggest then?" "Correct angle position of the shooter, proper calculation, accurate timing, plus the simplest and most effective technique of delivering fire with the g*n mounted on its ground or vehicular mount is to align the sights of the g*n on the target and fire. Once we perfect those points, then everything will be perfect." Base sa obserbasyon ko kanina ay de kalidad naman ang mga natapos na b***l. Ang lahat ay hindi pahuhuli sa mga foreign weapons, kung ikukumpara sa mga armas ng Russia na nahawakan ko noon ay masasabi kong halos pumantay na ito roon. Sa katunayan ay nalampasan na nga nito ang ibang armas pandigma na likha ng America at Canada. Mabilis lamang na lumipas ang panahon. Sa halos tatlong buwan ko sa puwesto ay itong proyektong ito talaga ang pinaka-pinagtutuunan ko ng pansin. Nais kong maging kahanga-hanga ang kalalabasang mga b***l na nilikha sa aking administrasyon. Sisiguraduhin kong ako ang nagsu-supervised sa pagkalikha ng mga ito. Matapos ang naging opinyon ko ay kaagad ding ipinagpatuloy ng Canadian g*n specialist ang kaniyang presentasyon. Inihayag nito sa amin ang mga materyales na ginamit niya, ang mga foreign suppliers ay nagsalita rin. Ipinaliwag ang husay ng kanilang in-export na mga kagamitan sa amin. Marami ring foreign investors ang nasiyahan sa ipinakitang actual holographic demonstration, doon sa live video ay ipinakita ang nakakamanghang paggamit ng b***l. Napag-usapan din na hindi lahat ng mga malilikhang b***l ay hahayaang maging parte ng weapon exportation sa ibang karatig bansa. Tanging mga piling b***l lamang ang maaari habang ang mga pinakamahuhusay ay dito lamang mananatili sa Pilipinas. Ang National Government Association lamang ang magkakaroon ng access sa mga eksklusibong b***l na ito. "Thank you so much for coming, Mr. Kuznetsov. Your presence at this conference overwhelmed my department heads, we really appreciate your help, Sir," pormal na sambit ko habang nasa harap ng maliit na entablado. Ilang mga piling media outlet ang narito ngayon para subaybayan at kuhanan ng coverage ang huling parte na ito. Ang naging usapan sa loob ng conference room ay mananatiling pribado lamang, eksklusibo sa mga piling indibidwal kaya ang media ay sa opening at closing ceremony lamang naimbitahan. Ang iko-cover nila sa balita ay pagpapakilala ng mga dumalo at maging ang pagbibigay ng mga sertipiko lamang. Hindi muna ilalabas sa masa ang naging lamang ng usapan hangga't hindi pa nasisiguradong perpekto na ang lahat. "We will surely put Russia on the priority list once we're done listing the countries who will receive the first-hand quality firearms that were made in the Philippines," saad ko sa kaniya. Ngumiti ito sa kauna-unahang pagkakataon sa araw na ito. Tumango rin siya sa akin na tila nagustuhan ang sinabi ko. Humarap kami sa kamera matapos kong iabot sa kaniya ang isang plake ng pagkilala at saka nagkamayan kami habang nakangiti pa rin. Kaming dalawa lamang ang nakangisi sa harap, ang mga katabi namin sa hilera ay pawang mga nakabalandra ang seryosong mukha. Tila masyado silang intimidated sa aming kasama. "Please send my greetings to Gen. Rhodes, tell him that I am hoping to see him soon." GANAP na alas-kuwatro nang maka-uwi ako ng bahay. Tahimik ang buong paligid nang tahakin ko ang hagdan patungong second floor, maluwang ang buong kabahayan at kung iisipin ay nakakabagot ang manirahan mag-isa sa malaking mansyon na ito. Nasa huling baitang na ako ng hagdan nang narinig ko ang pagkabasag ng isang vase malapit sa aking silid. Bahagya akong napapitlag nang dahil sa malakas na kalabog nito. Sinuri ko ang paligid habang dahan-dahang lumalapit sa basag na vase. "Flyn?" tawag ko sa alaga kong aso. Ako lamang mag-isa sa loob ng mansiyong ito, imposibleng may makadunggil ng vase sa table na iyon dahilan ng pagkahulog nito. Wala rin sa paligid si Flyn, hindi siya ang nakabasag noon! Iniikot ko ng tingin ang paligid para makita kung may iba bang tao sa loob ng mansyon. Kahit na wala ako rito ay mayroong naiiwang mga security, hindi man sila nakikita ay alam kong narito lamang sila. "What's this?" takang tanong ko nang nakitang may kulay pulang mantsa sa sahig. Lumuhod ako at hinawakan iyon, nanlaki ang aking mata nang maamoy ito. Dugo! Kung hindi mo tititigan nang malapitan ang sahig ay hindi mo mababakas ang mantsa. Tila ba pinunasan ito nang maayos at pinilit na burahin, ngunit hindi napulido dahil sa aking pagdating. Ginalaw ko ang aking hikaw, mayroon akong suot na micro emergency button. Konektado ito sa device ng aking security team, sa oras na pindutin ko ito ay agad silang maaalerto at alam na nilang kailangan ko ng kanilang tulong. Nagtataka kong inilipat ang tingin sa entrance ng bahay, wala ni isa sa kanila ang dumating para saklolohan ako. "Something's wrong here, nasaan ang security team?" Napansin ko rin ang maliliit na patak ng dugo, tila ba hindi namalayan ng salarin na nag-iwan siya ng maliliit na patak ng dugo na maaari kong sundan para malaman kung saan siya nagtatago. Siguradong narito pa siya sa loob, hindi ko alam kung mag-isa lamang ba ang may gawa nitong mga dugo sa sahig o may kasama pa siya. Nakaalerto ako sa maaaring pagsugod ng kung sino man sa akin. Mayroon akong b***l sa kuwarto, ngunit wala na akong panahon pa para kuhanin iyon. Siguradong sasamantalahin na nang pangahas na taong iyon ang pagkakataon sa oras na malingat ako. Sanay ako ng mixed martial arts maging ng paggamit ng kahit na ano'ng armas. Pinulot ko ang basag na piraso ng vase bago magdesisyong ipagpatuloy ang pagsunod sa patak ng dugo. "Alam kong narito ka lang sa paligid," malakas na pahayag ko, "Ano'ng ginagawa mo rito? Lumabas ka at magpakita sa akin!" dagdag ko pa. Siguradong papunta na rito sa bahay ang grupo nila Vaughn. Ang Presidential Security Group ay nahahati sa dalawang grupo, isang kasa-kasama ko sa bawat lakad at ang isa'y naiiwan naman dito sa mansyon. Ang team na nakatalagang magbantay sa akin dito sa bahay ay nasa paligid at hindi nagpapakita, lalabas lamang kapag ipinatawag ko. Muli akong nakarinig ng dalawang magkasunod na pagkabasag, nasa loob ito ng dating kuwarto ni mama at papa. Nagmamadali kong tinungo ang pasilyo para makapunta roon, ano'ng ginagawa niya sa kuwarto ng mga magulang ko? Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang may mabakas akong dugo roon. Ngayon ay sigurado na akong narito siya sa loob! Padaskol kong binuksan ang pinto ng kuwarto habang nakaalerto pa rin. Hindi ko tuluyang naibukas ang pinto dahil sa may humarang doon. Binaling ko ang tingin sa sahig at nakita ang walang malay na miyembro ng aking security team. Mukhang mahusay sa pakikipaglaban ang nanloob dito, nadaig niya ang security team, ibig sabihin ay bihasa siya. Tuluyan akong nakahinga nang maluwag nang naramdamang may pulso pa ang dalawang walang malay na lalaki. Parehas silang sugatan at may mga pasa sa mukha, gusot rin ang kanilang mga uniporme tanda na dumaan sila sa matinding pakikipaglaban. Tumayo ako at dumiretso sa nakabukas na pinto ng walk-in closet nila mama, mukhang doon nagtungo ang taong iyon matapos halughugin ang mga drawers at tables. Base sa paraan ng pagkakakalat ng mga papeles na nakatago sa drawer ng mga magulang ko at maging sa pagkawasak ng lock ng mga 'to, siguradong madalian at puwersahan ang kaniyang ginawa. Wala akong ideya kung ano ang hinahanap ng nanloob. Siguradong importante iyon at hindi pagnanakaw ang pakay niya. May hinahanap siyang importanteng dokumento mula sa mga researches ng aking mga magulang. Isa-isa kong tiningnan ang mga papeles sa sahig at kama, ang lagayan ng mga alahas ni mama ay nakakalat sa sahig. Buo ang lock nito at halatang hindi pinagtuunan ng pansin. Nakabukas din ang pinto ng walk-in closet, dahan-dahan akong lumakad patungo roon. Ang mga damit nila mama at papa ay nagkalat, hinalughog din niya ang bawat sulok nito. "Who the f**k did this? Anong hinahanap niya rito sa kuwarto nina Mama?" bulong ko sa aking sarili. Basag ang glass door ng balcony, paniguradong ito ang narinig ko kaninang malakas na pagkabasag. Nasiguro kong dito nga dumaan ang nanloob, dahil nakita ko pang may nakalawit na mahabang tali, ang haba nito'y aabot hanggang sa lupa sa labas ng bahay. Pinag-planuhan ang panloloob. Alam niya kung gaano kataas ang silid na ito, itinaon din niyang wala ako rito sa bahay. Kung ako ang pakay niya dapat ay roon siya sa conference nagpunta dahil alam ng lahat na naroon ako dahil sa mga balitang ipinapalabas. Bago ako tumalikod paalis ay nakita ko ang iniwang sulat sa akin ng nanloob. Gamit ang kulay pulang dugo sinulatan niya ako ng mensahe sa sahig ng balkonahe. I will come and find it. You can never hide it from us! Iyon ang mensaheng nakasulat sa sahig. Hindi ko alam kung ano'ng tinutukoy niya, ano'ng itinatagong bagay ang sinasabi ng taong 'yon? Bakit sa silid nina mama niya ito hinahanap? May kinalaman ba ang mga magulang ko sa hinahanap ng taong iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD