-Ezra-
“Ina, mabuti at maaga ka pong umuwi dahil may ibabalita po ako sa inyo?” Masayang pahayag nito sa akin ng makapasok na ako at ng pareho na kaming nakaupo sa isang upuan na kahoy at kasya naman kaming mag-ina. Nakikita ko ang pagkasabik dito kaya naman maging ako ay nasasabik na marinig kung ano ang magandang balita na nais nitong sabihin sa akin at mukhang hindi na rin naman ito makakapaghintay na sabihin iyon.
“Ano ba iyong anak, at mukhang may nangyaring maganda sayo ngayong araw ah?” Tanong ko dito habang inaayos ko ang buhok nito na tumatabing sa maganda nitong mga mata. Ayaw kasi magpagupit ng batang ito kaya naman hinayaan ko na lang din dahil sa bagay rin naman dito ang mahabang buhok. Inipitan ko na lang din muna ito bago ito muling nagsalita sa tabi ko, lihim pa akong napangiti dahil sa gwapuhan ng aking anak at mukhang sa kanyang ama pa ito nagmana.
“Alam n’yo po bang usap-usapan ang pagpapakasal mo kay Don Mario? Totoo rin po bang don na tayo titira sa malaking lupain nito at sa bahay na parang palasyo tayo uuwi para matulog, Ina?” Natutuwa nitong turan sa akin na ikinawala na lang ng ngiti ko. Alam kong bata pa ito at hindi pa nito naiintindihana ng mga bagay-bagay kaya naman ayoko sana sabihin dito ang tungkol sa kasal dahil alam kong hindi rin naman nito mauunawaan, subalit alam kong matalino ang anak ko at darating ang araw na mauunawaan nito ang ibig kong sabihin. Basta ang alam lang nito at lilipat kami ng bahay at magiging Ama na n’ya si Don Mario Sullivian.
“Anak, ayos lang ba sayo kung doon tayo titira? Magiging ok kaba kung si Don Mario ang magiging ama mo?” Mga kinakabahan kong tanong dito at inaasahan ko na rin ang pagsang-ayon nito subalit nais ko pa rin na maging maayos ang lahat sa aming mag-ina.
“Ina, ayos lang naman po sa akin kung papakasalan mo si Don Mario, at maging Ama ko siya. Ang gusto ko lang naman ay makita kayong masaya, Ina. Wala naman ako pakialam kung sino ang maging ama ko ang mahalaga po ay kayo at hindi ko makikitang sinasaktan kayo ng kahit na sinong lalake na makakasam mo n’nyo sa buhay. Mahal na mahal ko po kayo kaya naman nauunawaan ko ang lahat ng ito, Ina.” Malungkot nito sagot sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit dama mo ang sakit sa boses nito base sa kung paano ito magsalita sa akin. Mahigpit ko rin itong niyakap at mabilis ko rin napunasan ang luhang naglandas sa aking pisngi dahil ayokong makita nito ang aking naging pagluha.
“Pangako, kahit na sino pa ang dumating sa buhay ko ikaw pa rin ang baby boy ko. At gagawin ko ang lahat para sa maging kinabukasan mo, ayoko kasing makitang nahihirapan ka habang lumalaki ka at kayang kong isakrepisyo ang kahit na ano dahil ang mahalaga sa akin ay ang kinabukasan mo. Anak, h’wag na h’wag mong kakalimutan ang palaging maging mabuting tayo kahit pa may mga taong kaya kang husgahan o pagsalitaan ng hindi maganda. Dahil mas dapat pa rin nangingibabaw sa puso mo ang kabutihan at hindi ang kasamaan, alam mong masama iyon di ba? Kaya dapat at palaging nasa tama ka lang, maliwanag po ba?” Paliwanag ko dito, dahil gusto ko itong maging handa sa kung ano ang haharapin namin sa kasalukuyan o sa pagdating ng araw na tumira na kami sa mansion ng mga Sullivan
“Opo Ina, tatandaan ko po ang lahat ng sinabi n’yo. Kahit po kaylan ay hindi ako magiging masamang tao at palagi ko pa ring iisipin ang tama para sa lahat. Hindi ako tutulad sa ibang tao na kayang manakit makuha lang ang nais nila. Alam kong bata pa ako ngayon at walang kakayahan na ipagtanggol kayo sa mapanghusgas sinasabi n’yo pero nais kong malaman n’yo na kahit ano pa po ang mangyari ay mananatili ako sa tabi mo kahit pa itakwil tayo ng lahat.” Sagot nito habang nasa mga bisig ko at nakayakap sa akin na pahanga ako nito sa kanyang mga sinabi, kung iisipin ay parang malaking tao na rin ang kausap ko na ikinangiti ko na lang din dito. Ganito kami mag-usap nito lalo na kung may mga plano akong nais kong iparating dito. Bata pa man ito at namumulat na rin ito sa reyalidad ng buhay na meron kaming mag-ina at kahit na hindi ko gustong maranasan niya ito at wala na rin ako magagawa dahil pinanganak kaming mahirap na kailangan naming tanggapin.
Pagtapos naming mag-usap ay nag-ayos na rin ako ng aking sarili at naghanda ng mga pwdeng mailuto dahil sa darating sa aming tahanan si Don Mario Sullivan ang mapapanga-sawa ko at maaaring maging ama ng aking anak. Naghanda lang ako ng tatlong putahing ulam at hindi naman ganoon karami ang ginawa ko dahil alam kong may dalang pagkain si Don Mario na tulad ng sabi nito. Katunayan ay ayaw na ako nitong paggastusin o pagtuluin ng kung ano-ano dahil siya na daw ang bahala ng lahat, subalit ayoko ng ganoon kaya naman nagpilit pa rin ako na magluluto kahit na konti ng sa ganoon ay matikman naman nito ang luto kong ulam at sana ay magustuhan nito ang lasa ng sa ganoon ay hindi ako mahirapan na ipagluto ito kung sakaling mag-asawa na kaming dalawa nito. Ganon pa man ay nagdarasal pa rin ako na sana ay h’wag kami magkaroon ng problema oras na dumating ang anak nito sa mismong araw ng aming kasal.
Nagsuot lang ako ng simpleng dress na nabili ko na rin dati pa, wala naman kasi akong pera para lang bumili ng bago para rin sa magaganap ngayong gabi. At gusto kong makilala ako ni Don. Mario na simple lang at hindi ko kailangan mangpanggap na maganda o marangya sa harapan nito para lang tanggapin ako bilang asawa nito. Dahil una pa lang ay alam na rin naman nito ang lahat sa akin, hindi ko rin alam kung anong klaseng pag-iimbistiga ang ginawa nito at madali lang nito nalamana ng lahat na meron maging sa aking anak ay walang takot na inalam nito ang totoo. Hindi ko naman nagawang magalit sa matanda dahil nakikita ko sa mga mata nito na gusto lang ako nitong tulungan. Dinasal ko na lang din na sana ay tumigil na rin ang mga taong mali ang tingin sa akin bilang isang ina o tao, alam kong kailangan ko rin naman silang labanan lalo na kung makikita kong madadamay na rin ang aking anak na si Elias. Subalit pinipili ko pa rin ang pagiging kalmado at tanggapin na lang muna ang paratang sa akin ng karamihan. Gol digger daw ako at kayang kumapit sa yaman ng iba para lang makaahon msa kahirapan, malanding babae rin ang tingin nila sa akin at nakakasuka daw na pinatulan ko ang isang matanda na halos double ang naging lamang nae dad sa akin. Ang lahat ng yon ay hindi ko pinansin at mas nagpokus ako sa kung ano ang gusto ng puso ko at hindi ang hinaing nilang lahat. Nahihirapan man akong harapin ang sila pero mas minabuti ko pa ring taas noong tignan sila dahil sa huli ay malinis pa rin ang aking buong pagkatao.