Kanina pa nakatingin si Bettina sa puntod ng kanyang ama. Nakaupo siya sa tiles na sahig sa loob ng mausuleo nito habang yakap-yakap ang kanyang dalawang tuhod. Kinailangan nga na umalis ni Luis kanina dahil sa pagkakadakip kay Maica. Kung ano man ang kinalabasan ng usapan ng mga ito ay hindi niya pa alam. Hindi na niya ninais pang sumama dito. Pakiramdam niya kasi ay hinang-hina na siya dahil sa mga nangyari. Naiwan si Sara kasama niya nang magpasya si Roger na sumama sa kanyang asawa. Pero hindi rin nagtagal ang kaibigan niya sa kanilang bahay dahil nakatanggap ito ng tawag mula sa kasambahay ni Roger. Ayon kay Sara ay kailangan na nitong puntahan ang alaga nito. Nang maiwan siyang mag-isa ay nakaramdam siya ng labis na kakulangan. Nakabalik na siya sa kanyang mag-ama pero para bang a

