FIVE months passed… Ashlee looked at the blooming pink roses in front of her; she sprayed some water at the blooms and smiled. “Beautiful,” bulong niya. “Wow, they’re beautiful.” Napalingon siya kay Keira, ang asawa ni Jeremy Fabella, nang lumapit ito sa kinatatayuan niya. Nasa loob sila ng garden house ng hacienda ng mga ito sa Cebu. “How are you feeling?” tanong nito sa kanya. “Ayos lang naman, nakapag-umagahan na ba kayo?” Tumango ito. “Hindi ka na dapat nagpapaka-pagod, you should rest often.” “It’s okay, ayoko naman ng walang ginagawa dito. Ang laki na ng abalang ginagawa ko sa pamilya mo.” “Don’t say that, you’re not a burden for us. Masaya nga kami at natutulungan ka namin,” muling tumingin si Keira sa namumukadkad na mga bulaklak. “Mabuti nga at dito ka dinala ni Christophe

