Nakatitig si Jack Lee sa sariling repleksyon sa salamin. Nakaputing polo shirt siya at simpleng denim jeans—sakto lang, hindi masyadong pormal pero hindi rin mukhang walang effort. Pinagpag niya ang laylayan ng kanyang damit, parang may maaalis siyang kaba. Isang simpleng date lang naman, hindi ba? Pero kahit anong pilit niyang ipaniwala sa sarili, hindi ito basta-bastang simpleng date. Matagal na niyang gusto ito—ang makasama si Bhem sa isang totoong date, hindi bilang asaran o prank, kundi bilang isang taong may tunay na intensyon. Ngunit ang buhay nga naman, hindi laging sumasang-ayon sa plano mo. Nag-ring ang cellphone niya. Nang makita ang pangalan ng tumatawag, agad siyang sumagot. “Hello, Ma?” “Anak, pwede ka bang dumaan sa clinic?” May bahid ng pag-aalala ang boses ng kanyang

