Chapter 3 : Mga Kagrupo

1037 Words
Maagang sumisikat ang araw sa labas ng bintana ng classroom, pero kahit gaano kaliwanag ang paligid, parang may mabigat na ulap na nakapatong sa balikat ni Bhem. Kakaupo pa lang niya, pero parang punong-puno na agad ang pasensya niya. At alam niya kung sino ang dahilan — si Jack Lee. Matapos ang nakakainis nilang pagkikita sa library, umasa siyang makakaiwas man lang kahit saglit. Isang araw, baka isang linggo pa kung susuwertihin. Pero parang enjoy na enjoy ang tadhana sa pang-aasar sa kanya. Kakatapos pa lang mag-roll call ng teacher nang bumukas ang pinto. Napatingin ang lahat. Napuno ng bulungan ang paligid. At doon siya — si Jack Lee, nakatayo sa may pintuan, parang artista sa sariling palabas. Huli na nga pumasok, pero ni bahid ng hiya, wala sa mukha niya. Sa halip, mas lalo pa yatang lumapad ang ngiti nang magtama ang mga mata nila. Nag-eenjoy ang kupal. Umupo ito sa tabi niya — parang natural lang na sa kanya lagi tatabi, kahit wala siyang say sa bagay na ‘yon. Nakabalandra ang mayabang na ngiti sa mukha niya, at ramdam ni Bhem ang tingin niyang parang may sinasabi. Huwag mo siyang pansinin. ‘Yun ang sabi ng utak niya. Pero ilang segundo lang, nag-crash ang balak niya sa sinabi ng teacher. “Ang magiging ka-partner niyo sa project ay ang katabi niyo.” Nagsigawan ang buong klase. Excited ang karamihan. Maliban kay Bhem. Wala nang iba pang pwedeng makapartner — kundi siya. Si Jack Lee. Narinig niyang tumawa ito nang mahina, pero sapat para uminit ang batok niya. Wala na siyang kawala. --- Nag-ring ang bell para sa break. Agad na niligpit ni Bhem ang gamit niya, mabilis pa sa alas-kuwatro. Sa likod niya, naglalakad sina Lora at Daphne, tahimik na nagbabantay sa kanyang nagbabantang mood swing. Pagdating sa canteen, saktong sumalubong sa kanila ang maingay na bulungan at tili ng mga babae. Napataas ang kilay ni Bhem. At syempre, sino pa ba ang nasa gitna ng gulo? Walang iba kundi si Jack Lee — may hawak na tickets, todo charm habang nilalako ang para sa upcoming basketball game. Palibot sa kanya ang mga babaeng halos magkabuhol-buhol na sa pagsiksikan. Napailing si Bhem. Wala akong pakialam. Yan ang mantra niya. Pero kahit anong iwas, kusang bumabalik sa isip niya ang eksenang naganap sa library — ang mapanuksong tingin ni Jack, ang mga biro nitong walang preno. Habang nakapila sa counter, naramdaman niyang may tumabi sa kanya. “Hotdog sandwich lang?” Hindi niya kailangan lumingon para malaman kung sino. Hindi siya sumagot. Pero bago pa siya makapag-abot ng pera, sumingit na si Jack, inabot ang credit card sa cashier na parang natural lang. “Kasama na po ‘yung sa kanila.” Hindi nakapagsalita si Bhem. Maging ang cashier, natahimik sa gulat. Ang mga kaibigan niya, syempre, kilig na kilig. Siya naman, nakapako sa kinatatayuan, hindi alam kung paano magre-react. Pinili niyang manahimik, kahit ramdam niyang pinagmamasdan siya ni Jack. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, may kung anong kiliti sa dibdib niya — isang bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman. Mabilis lumipas ang hapon, pero hindi nawala sa isip ni Bhem ang presensya ni Jack sa tabi niya. Nang i-announce ng research instructor ang pairing para sa project, halos napamura siya sa isip. Si Jack Lee. Talaga bang wala na siyang ibang choice sa buhay kundi ang magtiis sa kupal na ‘to? Wala itong sinabi nung una. Isang tamad na tango lang ang sagot nang bigyan niya ng masamang tingin. Pero ang katahimikan niya, mas lalong nakakaasar — parang alam na alam niyang wala rin siyang kawala. “Send mo sa’kin mamaya ‘yung mga naiisip mo,” bulong niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Okay,” sagot nito, masyadong masunurin para sa isang gaya niya. Akala niya tapos na. Professional na usapan. Pero bago matapos ang klase, bumwelo pa ulit. “Buti na lang magkaka-number na kita.” Napalingon siya, sumisipa na ang inis sa ulo niya. “Baka kasi may tanong ako. Mas madali tumawag kesa magchat, ‘di ba?” dagdag nito. Gusto niyang kumontra, pero sa totoo lang, may punto naman. Kaya kahit may ngitngit sa dibdib, isinulat niya ang number niya sa notebook, tinanggal ang papel nang parang hinihilang pustiso, at inabot sa kanya. Tinanggap ni Jack na parang simpleng papel lang. Pero ang ngiti niya — ‘yung tipong alam niyang panalo siya — ‘yun ang hindi mawala sa isip ni Bhem. Kinagabihan, pilit tinutukan ni Bhem ang laptop niya. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na sumulyap sa cellphone niya. Nag-vibrate ito. Jack. Hati tayo sa topics. Ako na bahala sa outline. Professional. Diretso. Saktong-sakto. Pero may kasunod. Good night, Miss Beautiful. Sweet dreams. Napatitig siya sa screen. Tumibok ang puso niya — mabilis, hindi komportable. Hindi dahil kinikilig siya. Hindi. Imposible. Binagsak niya ang phone sa kama, tinakpan ang mukha ng unan, at tumili nang walang tunog. Pero kahit anong pigil niya, alam niya ang totoo. Sa unang pagkakataon, si Jack Lee ay hindi lang basta istorbo sa araw niya. Siya na ang bagong istorbo sa puso niya. Kaya naiinis siya subra kasi bat nakilala pa niya Ang taong ito ,Ang goal a naman niya ngayong taon ehh fucos sa acads at walang istorbo sa buhay , Pero kahit ganon ang naging araw niya ehh super na embarrassed talaga siya dahil sa uniform niya , Hindi niya matiis na hindi magsisigaw sa loob ng kuwarto niya habang may takip ng unan ang kanyan mukha naisip niya na super kahihiyan Ang araw na to dahil doon . Di kasi niya napansin na may dumi Pala ng toothpaste ang uniform niya napansin nalang niya ito ng humarap na siya sa salamin sa loob ng ladies restroom nagmukha tuloy siyang batang di marunong mag laba ng pa*ty . Grabi din ang inis niya sa dalawa dahil diman lang siya sinabihan na Ganon Ang uniform niya nong nasa flag ceremony pa Sila kaya Pala tawang tawa Ang mga ito dahil Pala sa uniform niya ,kaya sigurado SI Bhem na natatawa din ang iba pang studyante sa campus , ang mga classmates pa naman niya mga anak ng mga mayayaman samantalang siya mayaman lang . To be continued......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD