CHAPTER 16: MGA ALAALA AT MGA PASABOG

1047 Words
“Minsan, ang pinakamasasayang alaala, bunga ng mga kapalpakan at kalokohan.” Matapos ang tampuhan nina Bhem at Lora, nagbalik din sa dati ang kwela at maingay nilang trio. Hindi naman talaga kayang tiisin ng matatalik na magkaibigan ang isa’t isa—lalo na kapag ang tampuhan ay may kinalaman sa isang lalaking dati lang nilang tinutukso, pero ngayon ay tila nagiging sentro na ng buhay ni Bhem. Sa dorm nila Daphne, bumalik ang sigla ng grupo. Pero sa likod ng tawanan at biruan, may mga alaala silang pilit iniiwasan ni Bhem — mga eksenang hindi na basta-basta matatakasan. Isang gabing puno ng kwentuhan, bigla na lang naglabas ng lumang polaroid si Lora. Larawan iyon ng tatlong mag-bestfriend, all smiles, pero ang nasa background—si Jack Lee na palihim na nakatingin kay Bhem. “Naalala niyo ba ‘tong araw na ‘to?” tanong ni Lora, may ngiting may tinatagong kahulugan. Napangiti rin si Daphne. “Aba, syempre! Dito nagsimula ang ultimate crush confession mo sa hallway, ‘di ba?” Napapikit na lang si Bhem, habang sumabog sa tawanan ang dalawa. Sino ba naman ang makakalimot sa araw na iyon—yung pinatayo siya sa hallway at pinasigaw kung sino ang ultimate crush niya. At dahil sa kapalpakan sa quiz battle na pauso nina Lora at Daphne, napilitan siyang isigaw ang pangalang pinakaayaw niyang aminin… pero tila siya rin lang ang niloloko niya. “CRUSH KO SI JACK LEE!!!” Para iyong echo na bumabalik sa tenga niya tuwing mapapadaan siya sa hallway. Pero ang mas ikinahiya niya ay hindi ang mismong pagsigaw, kundi ang saktong pagdaan ni Jack habang sinasambit niya iyon. Ang reaksyon ni Jack? Isang ngiting hindi niya mabasa—tamang pilyo, tamang may alam, at higit sa lahat, parang may inaasahan. Napatayo si Bhem at sinubukang alisin sa isip ang alaala. Pero paano mo ba talaga mabubura ang isang bagay na, kahit anong pilit mong itanggi, ay may kurot sa puso mo? At parang may script ang tadhana, biglang kumatok ang problema—o ang dahilan ng lahat ng kalat sa buhay niya ngayon. “Darling, good morning.” Napalingon siya, at naroon sa may pinto ng classroom si Jack , nakangisi, parang walang nangyari. Pinilit niyang huwag mag-react, pero ramdam niyang umiinit ang mukha niya. Naaalala niya pa ang bawat banat nito, lalo na nang ipamukha nitong halos isigaw niya ang pangalan niya sa buong school. “Good morning, kupal,” malamig na sagot niya, pero ramdam niya ang sariling pangangatog. Pero gaya ng dati, tila likas kay Jack ang pasensya—o baka naman aliw na aliw lang talaga siya sa pang-aasar kay Bhem. Lumapit ito at bumulong. “Bakit ang sungit mo agad, darling? Kahapon lang love na love mo ‘ko, sigaw mo pa nga sa hallway.” Kagat-labi niyang iniwasan ang tingin nito. “Challenge lang ‘yun. Huwag mo masyadong dibdibin.” “Challenge ba talaga? O excuse mo lang ‘yan para masabi mo na?” Gusto niyang sagutin, pero parang nakakadena ang dila niya. At paano ba naman niya itatanggi kung sa bawat pang-aasar nito, sa bawat mapanuksong ngiti, nararamdaman niyang unti-unti siyang bumibigay? Kasama ng memorya ng kanyang ‘hallway confession’ ay ang prom night—ang gabi ng ultimate kapalpakan. Sino bang makakalimot sa mala-slow motion niyang pagkadapa sa gitna ng dance floor, dala ng kabado at nanginginig na tuhod? At sa malas ng pagkakataon, nahatak niya pa si Jack pabagsak. Nasa sahig silang dalawa, magkadikit ang mga mukha, habang ang buong gym ay sumabog sa tawanan. Pero sa gitna ng kahihiyan, may isang bagay siyang hindi malimutan—ang titig ni Jack. Hindi iyon titig ng inis o asar. May kakaibang lambing, halong amusement, at… interes. “Kung gusto mo akong yakapin, pwede namang hindi ganito kadrama,” bulong nito noon, habang nasa sahig sila. At doon nagsimula ang kung ano mang kuryenteng gumugulo sa sistema ni Bhem hanggang ngayon. Ngayon, tuwing maglalakad siya sa hallway, laging may bulungan. “Siya ‘yung sumigaw ng ‘Crush ko si Jack Lee,’ diba?” “Yung nadapa sa prom? Kasama si Jack?” At kahit nakaka-bad trip, may bahagi sa kanya ang natatawa. Kasi kahit anong iwas niya, kahit anong tanggi niya, hindi niya maitatanggi na may kwento silang dalawa. Isang kwentong nagsimula sa inisan, nauwi sa tampuhan, at ngayon ay punong-puno ng pasaring at palihim na kilig. Balik sa kasalukuyan, naglalakad sila nina Lora at Daphne papasok sa classroom. Late na naman sila, gaya ng dati. Pero hindi iyon ang iniisip ni Bhem. Ang mas mabigat sa kanya ay ang tanong na bumabagabag simula kagabi. Ano bang ibig sabihin ng ngiti ni Jack ? Natawa lang ba siya… o may mas malalim pang ibig sabihin? Pagpasok nila sa room, una niyang nakita ang pamilyar na ngiti ni Jack. Nang-aasar, oo, pero may lambing na ngayon niyang lang napansin. “Darling, na-miss kita,” bulong nito habang dumaan sa harapan niya. “Ugh, ang kapal ng mukha mo,” bulong niya pabalik. Pero habang papalapit si Jack sa upuan niya, may isang bagay na hindi niya kayang itago—ang ngiti sa labi niya. At sa isip niya, isang realization ang unti-unting lumilinaw: Ang pinakamasasayang alaala, minsan, hindi planado. Minsan, sila pa ang pinakaayaw mo noong una. At sa pagitan ng pang-aasar at pasaring, may isang bagay siyang sigurado—ang kwento nila ni Jack ay malayo pa sa ending. Dahil mukhang naguumpisa palang at wala pa sa masidhing pagmamahalan na inaasahang mangyari ni Bhem, kasi kahit anong Iwas ,anong pagtataray, pagpapanggap , ehh wala parin hindi parin niya kayang alisin sa isip niya ang taong dating kinaiinisan niya ,ang taong dating sumisira ng araw niya ,ngayon ang taong yon hindi na lang basta araw ang sinisira kundi pinapagulo narin ang puso ni Bhem , halos nagbago SI Bhem simula ng magpakita ang binatang ito sa kanya , hindi niya lubos maisip kong bakit sa dinami dami ba naman ng binata sa mundo sa yong kumag na Jack lee pa siya natutuliro ,at nawawalan ng fucos na pinangako nga sa sarili ang goals niya na hindi mainlove kahit kanino kahit kailan. Sabi nga sa isang kanta "kapag tumibok Ang puso wala kanang magagawa kondi sundin ito " To be continued.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD