Hindi na rin kami nagtagal nang matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay hinila niya na ako patayo para makaalis na sa kanilang harapan. Hindi niya na binitiwan ang kamay ko hanggang sa nasa biyahe na kami at seryoso lang siyang nagmamaneho. "I won't let them hurt you, Tyla. No one's gonna hurt you as long as I'm here," saad niya sabay halik sa likod ng palad ko. Saksi nga ako na hindi mo ako hahayaang masaktan ng ibang tao... ngunit paano mo ako po-protektahan mula sa iyong sarili? Gusto kong isatinig ngunit hindi ko lang ginawa. "Salamat Henrix, I really appreciate na nagawa mong salungatin ang sarili mong magulang... para lang sa isang kagaya ko..." saad ko na may panliliit sa aking sarili. "I'm the one who put you in my life, Tyla. Kaya kargo kita, I'm responsible for prote

