"Tyla!" Nakangiting tawag sa akin ni Lester habang lakad takbo ang ginawa niya para maabutan ako nang palabas na ako ng building. Tumigil ako at humigpit ang yakap ko sa hawak kong libro saka ko siya hinarap. 'Di ko siya sinuklian ng ngiti upang ipabatid na 'di ko nagustuhan ang ginawa niya. Nang mapansin niya naman ay agad napalis ang matamis na ngiti sa kanyang mukha nang tuluyan na siyang makalapit. "Galit ka ba?" tanong niya sa akin na may himig ng pangamba na siyang ikinakunot ng aking noo. "Ano sa tingin mo? Matuwa ako?" sarkastikong tanong ko na may pamimilosopo. Bumuntong hininga siya. "Sorry Tyla." "Tatapatin kita, Lester. Mali ang ginagawa mo, alam mong kaibigan ko si Zabel, na dati mong kasintahan, at ako ay may Henrix na kaya dapat lang na kung manggagamit ka ibang ng bab

