Delayed nga ako pero alam ko naman sa sarili kong hindi ako buntis dahil wala naman kakaiba sa pakiramdam ko at isa pa, irregular din ang monthly period ko kaya hindi ako kinakabahan. Pinagmamasdan kong mabuti ang katawan ko habang suot ang uniporme sa harap ng salamin dito sa comfort room nang biglang magbukas ang pinto at pumasok si Zabel. Sinulyapan niya lang ako at dire-diretso siya sa cubicle na mukang ihing-ihi na kaya hindi na siya nag-abalang pansinin ako. Ilang sandali lamang nang marinig ko ang tunog ng flushed na batid na tapos na ito at bumukas ang pinto ng cubicle at lumabas na siya. Nagtungo siya sa sink na malapit sa akin at naghugas ng kamay. "Sinong date mo sa ball, Tyla?" Siya ang unang umimik at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay bigla akong nailang sa kanya

