Muli akong hinalikan ni Xander. Kumpara kanina, ngayon, mas banayad na ang paraan ng paghalik niya. Pero nandoon pa rin ang diin nito. Nakapulupot na ngayon ang kanyang kamay sa aking likuran at idiniin sa kanya ang aking katawan. Nagliliyab na ako sa pagnanasang bumabalot sa buong sistema ko. Pakiramdam ko, napapaso ako sa init ng aking katawan. Walang binabat ang lamig ng aircon nitong kwarto. Sinabayan ko ang bawat paghalik niya. Minsan napapadaing ako kapag kinakagat niya gamit ng labi niya ang labi ko. Napaungol ako nang mas ibinuka ng labi niya ang bibig ko at doon ipinasok ang dila niya at pinaglaroon ang loob nito. Hindi man ako magaling sa larangan ng halikan ay nakikisabay na rin ako sa kanya. Nakikipaglaro na rin ako sa kanyang dila. Ang mga kamay na nakapulupot sa akin a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


