Chapter 19

3919 Words

"Jayvee." Sa ikalawang pagkakataon, muling nagtagpo ang aming mga mata. Ngunit naiiba ito sapagkat ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa kinatatayuan naming dalawa ni Xavier. Titig na titig siya sa akin, hindi kumukurap na tila bang ayaw niyang mawala ako sa kanyang paningin. Malaki ang pinagbago ni Xander. Maliban sa paglalim at paggaspang ng kanyang boses nang sambitin niya ang aking pangalan, mas lalo siyang gumwapo at kumisig ang pangangatawan. Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong iyon, ang paraan ng kanyang mga mata'y ganoon pa rin kung tumitig. Nakakailang. Nakakaintimidate. Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha kasabay ang pag-usbong ng 'di malamang pakiramdam na noon ko lang naramdaman nang siya'y kasintahan ko pa. Alam ko sa sarili na mahal ko pa rin si Xander

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD