Kabanata 26: Noong bata ako, lumaki akong mag-isa, lumaking walang kalaro at karamay sa mga problema ko. Hindi pabaya ang aking magulang at sa katunayan ay naibibigay nila lahat ng kailangan ko. Siguro ay may kulang lang talaga sa akin, may mga bagay akong gusto na hindi maibigay sa akin. Kausap at karamay. Minsan kasi ay iyon lang ang kailangan ng tao, ang malalabasan ng problema, ang masasabi mong may mahihingahan ka kapag nanghihina ka na. Dalawang linggo na simula nang magising ako, sa ngayon ay medyo nakakalakad na ako, hindi na masiyadong masakit ang aking hita hindi katulad ng mga unang araw. Sa dalawang linggo na iyon ay nanatili ako sa ospital, ang unang linggo ay ang pagpapagaling ko at ang sumunod ay binabantay ko si Daryl. Hindi pa hilom ang ilan sa mga sugat ko pero hindi

