Kabanata 22: Parang natigil ang luha ko nang makita si Isaiah sa hagdanan habang kinukusot ang isang mata. Inalalayan akong tumayo ni Daryl. "I-Isa..." I called her. Lumapit siya saka nagtatakang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin, huminto ang tingin niya kay Eugene, bahagya lang nagsalubong ang kaniya noo bago lumapit kay Daryl, itinaas niya ang kamay animong nagpapakarga. Kinagat ko ang aking ibabang labi ng buhatin ni Daryl ang anak ko't mahigpit itong niyakap, para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa kaniya lumapit ang anak ko. "Tito Daddy bakit umiiyak si mama?" inosenteng tanong niya, sinapo pa ng anak ko ang magkabilang pisngi ni Daryl. Lumapit ako sa kanila, hinimas ang likod ng aking anak habang hawak siya ni Dadyl. "N-Nade," tawag sa akin ni Eugene. Alam ko ang gusto

