SIMULA
Umihip ang malakas na hangin kasabay ng tunog ng paghampas ng alon, kaagad kong hinawakan ang kumpol ng aking buhok upang pigilan iyon sa paglipad.
"Mama mo panget!"
"Nade Nerd!"
Sinamaan ko ng tingin ang batang mataba na sumigaw no'n, nagtawanan silang magkakaibigan habang inaasar ako.
Imbes na pansinin ay itinuon ko na lang ang aking atensyon sa barbie na hawak ko. Gamit ang maliliit na daliri ay umarte akong sinusuklayan si Gigi, ang aking laruan.
Akala ko'y umalis na ang mga batang hamog, 'yon ang tawag mo sa kanila. Pero nagulat ako nang biglang sumulpot 'yong pinaka mataba sa kanila at inagaw ang laruan ko.
"Give my barbie back!" I shouted at three of them.
"Mama mo give my barbie back!" asar ng isang bata.
Naikuyom ko ang aking palad sa suot kong bestida. Kanina pa sila! Kanina ay ako lang ang naka-tambay rito sa deck ng cruise ship kung nasaan kami naka-sakay pero bigla silang dumating.
Ang totoo ay kilala ko sila, anak sila ng mga kaibigan ni Daddy na kasama namin ngayon sa business trip.
"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" They chanted.
Pilit kong inabot ang manika ko sa kanila pero dahil higit na mas matangkad sila ay pinagpasa-pasahan nila iyon.
Gusto ko ng umiyak pero alam kong walang mangyayari, lalo lang silang matutuwa kapag umiyak ako.
"A-Akin na 'yan!" Pumiyok ako habang sinusubukang kunin si Gigi sa kanila.
"A-A? Hahaha bulol."
"Ang ingay naman, natutulog 'yong tao e!"
Napahinto ako sa pag-ayaw at sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Bahagyang kumunot ang aking noo nang makita ang isang batang lalaki na nagkukusot ng mata habang nakahiga sa isang sun lounger sa gilid ng pool.
Kunot-noo siyang lumingon sa amin apat saka umupo, napakamot pa siya sa ulo niya animong iritang-irita sa amin.
Sandali niya kaming pinasadahan ng tingin, napatayo ako ng tuwid ng tingnan niya ako.
Tumayo siya at doon ko napansin na higit siyang mas matangkad kaysa sa mga batang umaayaw sa akin.
He's tall and look powerfull.
Namulsa siya saka lumapit sa amin, napanguso ako saka napatingin sa bestida kong kulay dilaw.
"K-Kuya inaaway nila ako!" buong lakas na sumbong ko sa batang lalaki.
Umihip ang malakas na hangin, kalmado ang dagat pero malamig ang hangin lalo't nasa gitna na kami ng karagatan.
"Give her barbie back," utos niya sa mga batang umaaway sa akin kanina.
Nilingon ko sila at dinilaan, lumakas ang loob ko dahil may kakampi na ako, mukhang mabait naman 'tong si Kuyang tulugin. Kanina pa ba siya dyan natutulog?
"Ayaw nga namin!" tanggi no'ng matabang bata habang winawagayway si Gigi na lumalabas na ang panty na ginawa ko.
Napasimangot ako nang makitang nahulog ang pekeng sanitary napkin ni Gigi, kaya pinulot ko iyon saka tinago sa bulsa.
"Bigay mo," malumanay na usal nong si Kuya.
"Ayaw nga—Aray!" Nanlaki ang aking mata nang makitang pinitik niya sa noo iyong mataba na may hawak ng barbie ko saka walang kahirap-hirap na kinuha iyon. "Susumbong kita kay Daddy!" ngawa niya saka nagtatakbo paalis sa deck kasama ang mga kaibigan niya.
Napangiti ako doon! Sa wakas makakapaglaro na ako ng tahimik.
"Thank you po, Kuya," baling ko sa lalaki sabay lahad ng kamay ko sa kaniya para kunin si Gigi.
Imbes na sumagot ay tinalikuran niya ako, bumalik siya sa sun lounger na tinutulugan niya kanina. Sumunod ako sa kanya dahil hindi pa niya binibigay si Gigi.
"K-Kuya akin na po si Gigi," medyo kinabahan ako.
Baka kaya niya pinaalis 'yong ibang bata para siya 'yong mang-asar na akin. Baka naiingit pala siya o baka naman gusto niya rin ng barbie?
"Sit." Tinuro niya ang kabilang dulo ng lounger, kaagad naman ako umupo doon kaharap siya.
Inilapag niya si Gigi doon, nakahinga ako nqng maluwag saka kinuha ang laruan ko. Mabuti naman at hindi siya mahilig sa barbie, wala akong kaagaw.
"Don't you know that it's dangerous to play here." Iminuwestra niya ang kamay sa buong deck.
Napanguso ako dahil sa sinabi niya, alam ko naman iyon sinabihan na rin ako nila Mommy na huwag aakyat dito pero ayoko naman sa lobby dahil may meeting sila, nabo-boring ako doon.
"Don't you know that it's dangerous to sleep here," ginaya ko ang sinabi niya saka matamis na ngumiti.
Sumandal siya saka inilagay ang braso sa kanyang dibdib, doon ko napansin ang bracelet niyang kulay itim, kumunot ang noo ko doon.
"Ano po 'yan?" buong kuryosidad na tanong ko.
Bumaba ang tingin niya doon. "Bracelet?" patanong na wika niya.
I shook my head then point on his wrist. "No, how is it made? Ano 'yan, buto? Pearl?"
Napa-angat ang tingin ko nang marinig ang mahina niyang tawa. Ilang beses akong kumurap dahil sa ngiti sa kanyang labi.
"This is not seeds, it was made of seashell," he said while smiling.
I read a lot of books. Once, I read about human higher emotions, the compassion and admiration. I must say I admire him, he save Gigi and he smile so brightly.
Tumikhim ako, saka kunwaring sumimangot.
"Don't smile, you look pervert." I said.
His luscious smile faded.
"What did you say?" nagulat ako dahil parang galit siya, luh?
"Hala Kuya, joke lang hehe hindi ka naman mabiro sige po ngiti ka na ulit. Lalaro na ulit ako," naiilang na wika ko.
My breath hitched in my throat when he grab my wrist.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang isang kamay, tinanggal niya ang suot niyang bracelet saka iyon ikinabit sa akin.
Maganda iyon at kakaiba, hindi ko naman gusto talaga hingiin iyon natuwa lang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng gano'n.
"Sa akin na lang po Kuya?" manghang wika ko.
Sinipat ko iyon, in-adjust niya ang luwag no'n bago pakawalan ang aking pulso.
"Drop the po and kuya, I'm Daryl. How old are you?" Umayos ako ng upo sa lounger isinampa ko ang hita ko doon, napasimangot siya sa ginawa ko tinuro niya ang aking palda. "Umayos ka ng upo, nakikita ko panty mo kulay turquoise," kalmadong aniya.
Nahiya ako sa sinabi niya, tumagilid na lang ng upo. "Color cyan 'yon hindi turquoise." Inismidan niya ako.
"Stupid," komento niya pero halatang biro lang.
"I'm not stupid, sabi ni Daddy advance pa nga ako sa mga ka-edad ko."
"Ilan taon ka na ba?"
"Six, ikaw rin naman bata pa!"
Sinuklay niya ang kanyang medyo magulong buhok dahil siguro sa hangin at pagkakahiga kanina. I wonder if I look good naman?
"I'm eight turning nine. Go back to the lobby now, baka hinahanap ka na ng Mommy mo," sabi niya saka humikab.
Umiling ako. "Hindi pa 'yon, may meeting sila matagal 'yon saka nagpaalam naman ako, mabo-boring lang ako roon e o baka awayin lang ako no'ng mga bata kanina. Laro na lang tayo," komento ko sabay wagayway kay Gigi.
Napangiwi siya roon. "I don't play barbies."
"Eh ano na lang?"
Tumingin siya sa pool animong nag-iisip, bumaling siya sa akin saka ngumisi.
"Let's play hide and seek."
➳