"Ang daldal talaga ng babaeng yun kahit kaylan"sagot ni Jade sa kanyang pinsan.
Tawa ng tawa lang kanyang pinsan sa kabilang linya sa kanyang sinabi.Happy person kasi ai Glennie,friends ng lahat.
"don't tell me galit ka pa rin sa kanya insan",pang iinis ni Glennie.
"ang saya nga nilang mag-asawa,almot 5 years na silang nagsasama ngayon lang nabuntis si Sai"pagbibida pa niya lalo kay Jade.
"Hindi ka ba naiinggit sa kanila" dugtong pa ni Glennie sabay tawa ng malaks sa phone.
"Naku tumigil ka na dyan Glennie Ann ,babaan na kita ng phone"pagbabanta ni Jade sa kanya.
Alam ng pinsan niya na kapag tinawag na siya sa buo niyang pangalan galit na ito sa kanya .
"Okay,stop na sa kanya","minsan magkita tayo ipakilala kita sa kaibigan ng boyfriend ko"," isa siya sa may ari ng isang construction company na pinakamalaki dito sa Manila","as in sobrang yaman nito","para magkaroon ka na rin ng jowa"pang eenganyo ni Glennie kay Jade.
"I don't need man in my life","masaya na ako as single"
"Naku insan sabi mo lang yan, iba pa rin yung may makakasama ka balang araw at magkaroon ng sariling pamilya" pakumbinsi pa ni Glennie sa kanya.
"Okay sige,sabihin mo lang kung kaylan at i meet ko yan sinasabi mo","kung hindi papasa sa panlasa ko naku Glennie lagot ka sa akin"pagbabanta ni Jade aa pinsan
"Mata mo lang walang latay"dagdag pa nito
Umarteng natatakot si Glennie sa kanyang boses at sabay na nagtawanan ang mag pinsan.
"Sige bye na","ibaba ko na ito,ragards kina tito at tita pahabol pa ni Jade sa pinwan.ito ang huli sinbi bago niya pinatay ang kanyang phone.
'okay po,makakarating kina daddy at mommy insan" sagot ng nasa kabilang linya.
Ganyan ang pinsan ni Jade.Si Glennie ay masayahin na tao at ito lang ang kasundo ni Jade dahil siguro magka edad lang silang dalawa kahit magkabiliktad ang ugali nila.Serious type siya pero madaldal kapag sa mga close sa kanya at ai Glennie ang palakaibigan na tao,lahat yata ng makakasalubong gustong makausap sa aobrang katabilan ng sila.
Tumayo ai Jade at pumunta sa kitchen para kumuha ng champagne na iinumin.Binuksan niya ang lagayan sa tabi ng ref na double door na akala mo isang kabinet sa laki.Sinilip niya ito at walang makitang inumin.
"Pambihira pati ba naman inumin nang iinis pa"inis na sambit ni Jade.Saka pabalibag na isinara ang pinto ng lagayan ng wine.
"Makalabas na nga"
Dinampot niya ang kanyang bag at lumabas.Gusto niyang marelax sa pamamagitan ng pag inom ng wine sa paboritong niyang hang out kahit mag-isa siya.Ito ang puntahan nila ng mga kaibigan niya bago siya lumipad patungong State 5 years agoLumabas si Jade sa kanyang unit at bumababa sa condo.Hindi na nagawang magbihis sa maghapon niyang suot na damit.
"okay pa naman ang amoy ko,hindi na masama"bulong ni jade sa sarili.Naalala niya mayron pala siyang dalang pabango na pocket scent sa kanyang ahoulder bag.Yumuko siya at hinalungkat ang dalang bag.kinuha niya ito at nag spray muna siya ng pabango sa itaas ng kanyang ulo,sa gilid ng kanyang katawan at sa kanyang mukha na inilayo pa ito para maamoy niiya ang feminine na green tea flavor.
Pagkahinto ng elevator,agad na humakbang si Jade palabas .
Tumayo siya saglit sa harapan ng kanyang tinutuluyan para maghintay ng masakyan. Maya-maya lang may nakita na siyang taxi na paparating.Pinara niya ang taxi at hinintay na bumababa ang laman nito.Bumaba ang mag asawa na kanyang katabing unit.Nginitiqn niya ang mga ito at sinuklian din siya ng ngiti.Saka siya lumapit sa nakaparadang taxi.
Binuksan ng driver ang bintana sa kanyang gilid para makita ang bagong pasahero.Yumuko si Jade kunti para makita ang driver.
" Heaven's bar po tayo".sabi ni Jade at tumango din ang driver.Naghuhudyat na sige sumakay ka na.Agad na sumakay si Jade sa bandang likuran ng taxi.
Alam agad ng taxi driver ang kanyang binanggit.Sikat ito sa lahat na hang out ng mga rich kid para magrelax sa buhay.
Habang tumatakbo ang taxi,hindi maalis sa isip ni Jade ang paglalambing ni Sai kay Mark at ang mala Adonis niya mukha.
"Mark bakit nagkita pa tayo uli"sabi ng isip ko habang nakapikit.