CHAPTER 1

2379 Words
"YOU RUN to a stranger? And worst, you had s*x?!" gulat na gulat sa laki ang mata ng kaibigan ni Frena. After that one night parang baliwala lang kay Frena ang nangyari and look at her face right now? Drinking a hot coffee as if nothing happened last night and as if walang hangover. Pero kahit pilit niyang takpan ang sakit ng ulo ay nabibiyak pa rin ito sa sakit. Mas lalo atang sumasakit ang ulo niya dahil sa kanina pa siya sinesermonan ni Chin. Ang kaibigan niyang wala ng alam kung hindi manermon. Pinalaki atang maging ina niya na. Hinampas niya ang kaniyang ulo dahil sa sakit. But she's not regretting what happened. Masaya nga ito. Dumiretso lang naman siya sa condo ng kaibigan para i-kuwento ang masayang nangyari sa gabi niya. "Ano namang mali? It was fun! And great... Masarap kaya." Nakagat na lang ni Chin ang kaniyang labi at napailing. Kahit kailan ay matigas talaga ang ulo ni Frena. May fiancé lang naman siya at ikakasal na. Tapos nagawa pa niyang maghanap ng gulo. "You're really unbelievable Frena. What if Winston found out?" Huminto sa pagsimsim ng kape si Frena at umasim ang mukha. "Don't mention that name. Marinig ko lang yan kumukulo na ang dugo ko." Napairap siya at ibinaba ang kape sa mesa at sumandal sa backrest ng upuan. Nawalan na siya ng gana. "Still, fiancé mo 'yon. Alam mo namang maypagkasira din sa ulo yon. Masaktan ka pa,” paalala pa ni Chin. Pero walang kinakatakutan si Frena at kahit na magkapatayan pa sila ni Winston ay wala siyang pakealam. And besides, they are engage because of money, business and nothing more. "We are engaged because of business, Chin. Mapapagod din ang lalaking yon,” aniya. Huminga ng maluwag si Chin at hinarap ang kaibigan. "For you, Frena. You know how obsess he is with you. He wanted this because he is obsess. Hindi lang sa negosyo." Sa bagay Frena has the looks kaya talagang maaakit si Winston sa kanya. Matangkad, classy, mataray, at goddess. "I told you, magsasawa rin 'yon." Sumandal si Chin sa upuan at uminom ng tubig. Wala na ata siyang magagawa para kay Frena. And besides, malaking tao si Winston mahirap kalabanin. Walang laban ang pera ng dalawa para itigil ang kasal. "So what's your plan?" tanong ni Chin. Sumeryoso naman si Frena at bigla ring ngumiti. Kanina pa nasa isip niya ang lalaki kagabi. She failed to know his name but she is sure will know later. "I'll find that man," nakangiting saad niya. "Don't tell me, you like him?" ngumiti siya at tama nga ang hinala ni Chin. "Yes. He is cool, I like his perfume, I like the smell of his cigarette, I like how he touched me, kissed me, and I want more," nakangiting aniya habang inaalala ang bawat eksina nila sa rooftop. Sumakit na lang ang ulo ni Chin dahil sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Nahihibang na ata ito. "Whatever you want, Frena. Basta mag-ingat ka. Winston has many eyes." Tiningnan niya lang na nakangisi ang kaibigan, "Don't worry, even if he will find out. Wala rin siyang magagawa." "But he will sure do something about the guy, if ever..." Napailing si Frena. "No, I think he isn't the type of man that easily fall. I can sense it," aniya. Napapikit na lang si Frena at nabura ang ngiti dahil sa paglinya na naman ng sakit sa ulo niya. "I gotta go, Chin. I still have a lots to do." Tumayo na si Frena at hawak-hawak ang ulo. "Whatever," sagot ni Chin. Dumiretso na siya sa kaniyang opisina kahit na may hangover. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ng ulo niya. Uminom pa siya ng pain reliever para mawala ang sakit ng ulo. May kumatok sa opisina niya. "Ms. Herald, papers to be sign." "Come in." Lumapit sa kaniya ang kaniyang secretary na si Ghana Puli. Sexy, matangkad at maayos. Ayaw niya kasing may dugyot-dugyot sa mga staffs niya lalong-lalo na sa laging nakakausap niya. Inilagay ni Ghana ang papers sa kaniyang lamesa na kaniya naman agad tiningnan at binasa bago pinirmahan ang bawat pahina nito. Muli namang may kumatok sa kaniyang opisina. Nakatuon lang ang pansin niya sa papers at nag-angat ng tingin kay Ghana. Ibinigay na niya sa kaniya ang mga papeles. Napatingin si Frena sa isang hot na babaeng pumasok. Naka-high heels ito at maiksi ang suot na black dress na bumagay sa mapuputi niyang balat. Kitang-kita rin ang kanyang cleavage sa suot. Nagpaalam na si Ghana sa kaniya at lumabas. Tinitigan pa ng kararating na babae si Ghana mula ulo hanggang paa. "Not my staffs, Ms. Traia." Nakangiting humarap ang babaeng tinawag niyang Traia. Lumapit siya at naupo sa tapat nito. "Ano ka ba! Bakit di mo na lang i-turn in sa amin. Maganda at sexy si Ghana. Sulit!" Sumandal siya sa kaniyang upuan at seryosong tiningnan lang si Traia. "Nandito ka na naman ba para alukin ako ng letseng business ninyo? I have plenty of staffs here that you shouldn't touch. You knew what will happen if you push the limit." Natawa lang si Traia dahil sa pagtataray ni Frena. "Ano ka ba! Just kidding. Well, I am here to help you choose your gown, I mean to design your gown. I have the book here, so feel free to choose if may idadagdag ka ayos na rin." Inilapag niya sa mesa ang librong na may lamang iba't-ibang desinyo ng gown na siya pa mismo ang gumawa. But, Frena seems not interested. "Something simple is fine, puwede ba sabihin mo riyan sa nagpadala sa’yo dito na I will never wear an elegant gown to a fvcking disastrous wedding. Now, get out," nakataas kilay niyang saad kay Traia. Napangiti lang si Traia at kinuha ang libro. "Well, he knew you will say that. Kaya ako na lang ang pipili ng the best gown for you." Seryoso lang siyang tiningnan ni Frena. Tumayo na si Traia at nilisan ang kanyang office. Napairap si Frena at inikot ang upuan. "Lakas makadagdag sa hangover ang baklang ‘yon." ‘Di na siya nagtagal sa kaniyang opisina at umalis. Ipina-cancel na niya ang ibang meetings at ibinigay kay Ghana ang mga importanteng dapat gawin. Wala siya sa mood magtrabaho. Gaya ng nakagawian ay dumiretso siya sa bar na lagi niyang pinupuntahan. Looking for the same man that he might bump again. Curious about his name. Naupo siya sa bartender area at um-order ng hard drink. Napatingin-tingin siya sa paligid at hindi pa rin niya mahanap ang lalaki. "Can I spare a time with this lady?" Napatingin si Frena sa lalaking tumabi sa kanya. Akala pa naman niya siya na pero iba. Dumating na ang kaniyang maiinom at nagsalan ng alak. Kinuha niya ang baso at nakangiting nakipagtoast sa hindi kilalang lalaki. "Are you alone?" tanong ng lalaki. "Obviously,” pagtataray ni Frena at bored na pinapanood ang mga tao sa paligid. "By the way I am Greyson, Grey na lang for short. You are?" Inabot niya ang kamay niya kay Frena na hindi man lang nito tiningnan. "Frena,” tipid na sagot niya. Ibinaba na niya ang baso niya sa lamesa at iniwan si Grey doon. Dumiretso siya sa rooftop at nag babakasakaling makita niya roon ang prince charming niya. Pero bokya. Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa kanila. Nasasabik tuloy siya sa kung ano pang mangyari kapag nagkita muli sila. Hindi na kasi niya nagawang makita pa ang lalaki pagkatapos dahil umalis agad ito. Sayang nga at wala silang second round. "Mr. Smoky. Where are you?" NAPABUGA ng hangin si Diamond nang maalala ang nangyari sa kanila ng 'di niya kilalang babae sa rooftop. Pinagkamalan pa niya itong ibang babae. He was too late to realize about it. Nangyari na. Napapikit na lang siya at napasandal sa upuan ng kaniyang library. Kanina pa siya nakatulala sa loob at walang balak na umalis. Nakuha ang atensyon niya sa isang katok mula sa pintuan. Pumasok roon si Aling Mira ang nag-iisang kasambahay ni Diamond. Nagpupunta lang ito sa mansion tuwing umuuwi si Diamond para paglutuan niya. "Sir, pinagluto ko po kayo ng makakain." May dala itong tray na laman ang masustansyang pagkain. Naglakad si Aling Mira patungo sa table niya at dahan-dahang inilapag sa gilid ang tray. Biglang nag-vibrate ang phone ni Diamond. Isang mensahe mula sa may-ari ng building na kini-kwestyon niya. *****, Good Day! This from Gluck Cosmetics. We already turn back the deleted CCTV footage 5 years ago. If you have time today, we can give you the copies. Napatayo agad si Diamond dahil sa mensaheng natanggap niya. Kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa likod ng inuupuan niya. "Baka di ako bumalik, manang. Wag niyo na lang ako paglutuan," wika niya kay Mira at nagmamadaling umalis ni hindi man lang ginalaw ang pagkain. Hindi niya sasayangin ang oras na ito para malaman kung nasaan na nga ba ang babaeng hinahanap niya. Mabilis ang kaniyang pagmamaneho patungo sa mismong address. Tumawag naman si Grey at naka-on-call habang nagmamaneho si Diamond. Nakalagy sa kanang tenga niya ang earphone. "D, nasaan ka ngayon?" Nakapokus pa rin siya sa pagmamaneho at inunahan na ang mga sasakyan. "Checking an old CCTV footage, 5 years ago,” aniya. "Totoo? May nakita ba sila?" "I'm on my way to check it. I'll hang up the call, now." ‘Di na niya hinintay na makasagot pa si Grey at pinindot na ang button sa earphone niya. Pagkarating sa building ay dumiretso siya sa second floor kung nasaan ang cctv area. Sinalubong naman siya ng may-ari ng Cosmetic na si Dianne. "Hindi pa namin na-check lahat since maraming footage. Ano bang date ang titingnan natin?" Nakatuon ang pansin ni Diamond sa screen ng computer. "January 8...." Napalunok siya ng laway dahil sa mga nagbabadyang ala-ala sa likod ng isip niya. Chineck naman agad ng mga tao ni Dianne ang naturang footage. Umabot ito ng ilang minuto bago nila mahanap ang araw. This is 24 hours kaya iiskip na lang nila. "Check the time around 4-5 p.m," ani Diamond. Mabilis naman ang mga kamay ng lalaking nagmomonitor sa screen. Habang nakatuon ang pansin ni Diamond dito. Hoping to find a trace. Ni hindi ito kumukurap para walang mamiss na scene. "Stop!" aniya nang makita ang isang babaeng papasok sa building nila. He is sure it's the girl she's searching. "Siya ba? Napabisita pala siya sa shop namin." Pinanood nila ang susunod na ginawa ng babae. Lumabas ito at nakaayos na. Pero hindi na nila nakuha pa ang susunod na nangyari. Napabuga na lang ng hangin si Diamond. Wala rin pala siyang mahahanap na lead. "Is that your car?" Napatingala si Diamond sa screen ng izoom nito ang scene kung saan sumakay ang babae sa isang SUV. Napakunot siya ng noo. Wala naman siyang naalalang sinabi ito ng kasintahan. At wala rin siyang naalalang pinasundo niya ito. "Give me the plate number and also a copy for this footage." Sumunod naman agad ito sa utos niya. Ibinigay na ni Dianne ang flashdrive at larawan ng footage na laman ng mga detalye. Once he traced the plate number of the car. He might.. he might be able to locate her girlfriend who has been missing for 5 years. He's longing for justice for her disappearance. Maaari kasing dinakip siya ng mga kaaway ni Diamond. Dumiretso si Diamond sa bar. Sinalubong naman siya ni Grey ng mukhang naghihintay ng balita. "What's the update?" Kinuha niya ang picture ng plate number at ibinigay iyon kay Grey. "Locate this car,” utos niya. Tiningnan ni Grey ang mga pictures na ibinigay ni Diamond kung saan sumakay si Talani sa SUV car. "This is Talani right?" Hindi umimik si Diamond at nakuha naman ni Grey ang sagot. "I'll trace it right away!" Mahahanap na ba agad niya si Talina? Ang kasintahan niyang bigla na lamang nawala sa araw ng kanilang ikalimang anibersaryo? January, 8. Is still fresh in Diamond's mind. While he was preparing to surprise Talani, siya pa ang nasorpresa sa biglaang hindi pagdalo nito. Walang text at tawag. Sigurado naman siyang gagawa ng paraan si Talani na sabihin sa kaniya kung hindi siya makakadalo pero wala man lang text o tawag. Kaya malakas ang kutob niyang nakidnap ito. At may rason sa pagkawala niya. Pinahanap niya ang kasintahan mahigit limang taon at wala pa ring balita. Kahit na ang mga pulisya ay di mahanap ang bakas nang pagkawala niya. Limang taon din siyang naghihintay. "Wherever you are, I'll keep on finding. Pumuti man ang buhok ko. I'll do what I can do to find you," aniya sa malamig na hangin sa loob ng kanyang sasakyan. Nakapark lamang ang sasakyan niya sa labas ng bar habang tulalang nakatitig sa harapan. Naputol ang pag-iisip niya sa marahang katok sa bintana ng sasakyan niya. Binaba niya ang glass at dumungaw doon ang pagmumukha ng isang magandang dilag. Nakangiti itong kita ang ngipin sa harap niya samantalang seryoso lang ang pagmumukha ni Diamond. "It's you! Can I have a ride?" nakangiting tanong ng babae. Seryoso lang ang mukha ni Diamond. Walang pakealam. Dahil hindi naman niya kilala ang babaeng kaharap. "You forgot? I'm the girl at the rooftop. I mean, the girl you had a one night. Ang dali mo namang makalimot habang ng mga gabing iyon sarap na sarap ka." Ngayon klaro na sa kaniya. Siya ang kamaliang nangyari sa buhay niya. Isinara na niya ang bintana pero ipinasok pa ni Frena ang ulo sa loob. Kumuha ng pera si Diamond sa bulsa niya. 10k at inabot iyon kay Frena. Nilakihan lang ni Frena ang mata niya habang nakatingin sa perang nasa kamay ng binata. "Take it or leave it." Napaawang ang labi ni Frena at natawa. "I don't need your money. Marami ako niyan." "So what do you want? A property?" Napangisi si Frena dahil sa malamig na boses ng binata. "Mas lalo ka tuloy nagiging attractive. I don't need both. What I need is,” Inilapit pa niya ang mukha niya para bumulong. "You," malanding tugon niyo pero walang epek kay Diamond. Nagulat siya ng mabilis na paandarin ni Diamond ang sasakyan kaya agad siyang napaatras at napamura. "Fvck this cold brat!" inis niyang giit. Pero muling ngumiti na parang baliw. "Well, you're kinda hot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD