Chapter 6

1192 Words
Alpha Hunter Pov Nasa loob kami nina Asher, Sami at Ruyi sa mini bar sa loob ng bahay ko at umiinom ng alak. Pagkagaling namin sa bahay ni Beta Keiver ay dito na kami dumiretso agad. Habang sinisimsim ko ang alak sa aking baso ay parang nakikita ko sa loob ng baso ang mukha ni Zeph. Napakaganda nito. Maliit lamang ang mukha nito na tila kasya lamang sa isa kong palad. Bilugan ang mga mata nito na binagayan ng mahaba at malalantik na pilik-mata. Katamtaman lamang ang tangos ng mukha nito at sa tingin ko ay bagay lamang sa kanyang mukha ang ganoon katangos na ilong. Mapupula ang mga labi nito na walang bahid ng anumang kolorete sa mga labi. May isang malalim na dimple ito sa gilid ng mga labi na hindi na kailangang sadyain pang ipakita para lamang mapansin ng mga tao dahil kusang lumalabas iyon sa tuwing siya ay nagsasalita. Makinis ang mamula-mula nitong balat. Ngunit natitiyak ko na may mga latay ito sa likuran na sanhi ng paghahagupit sa kanya ng latigo ni Beta Keiver. Natatago lamang iyon sa loob ng damit nito kaya hindi nakikita ng mga tao. Hindi na nito kailangan pang mag-ayos ng sarili para gumanda dahil inborn at natural ang pagiging maganda nito. Iyong klase ng ganda na hindi na kailangan pang mag-effort na mag-ayos para gumanda dahil maganda na ito. At kahit papagsuotin pa siya ng basahan ay lalabas pa rin ang kanyang angking kagandahan. Ito ang mga katangian ni Zeph na wala si Hillary kaya siguro tila mabigat ang loob niya sa una. Nakakapanghinayang lamang na isa itong omega. Ang pinakamababang rank sa aming lahi. Walang mate ang isang katulad niya dahil nangamatay na ang mga katulad niyang omega. At kung hindi dahil kay Beta Keiver ay matagal na sana siyang patay. Kaya siguro kahit anong gawing pananakit sa kanya ng aking Beta ay hindi siya nagrereklamo. O baka wala siyang tapang na magreklamo lalo pa at isa lamang siyang omega. "Hunter? Are you still with us?" malakas ang boses na tanong ni Asher sa akin. Ipinitik pa niya ng malakas ang kanyang dalawang daliri sa aking mukha para makuha ang aking atensiyon. "Of course, I am, idiot," mabilis kong sagot sa kanya. "Bulag ka na ba at hindi mo ako nakikita sa harapan ko?" tanong ko rin sa kanya. Natawa ng mahina sina Sami at Ruyi samantalang napakamot na lamang sa kanyang ulo si Asher habang napapailing. "Kanina ka pa kasi kinakausap namin pero hindi ka sumasagot. Nanatili ka lamang nakatingin sa laman ng baso mo na tila may magandang mukha ng isang dilag ang nakikita mo," panunudyo sa akin ni Ruyi. "Baka naman mukha ng omegang alipin ni Hillary ang nakita mo sa baso kaya tila bigla kang natulala diyan?" pang-aasar din sa akin ni Sami. Nilapitan ko silang dalawa at binatukan. Natatawa naman umilag sila sa akin. Silang tatlo lamang ang tanging malakas ang loob na asarin ako dahil halos lahat ng mga miyembro ng aming pack ay natatakot sa akin o kung hindi man sila natatakot at nangingilag sa akin. Alam kasi nila kung paano ako magalit. Bilang pinakabatang alpha ng aming pack ay kailangan kong magpakita ng istriktong pag-uugali para matakot sila sa akin. Dahil kung hindi ako magpapakita ng katapangan ay hindi nila ako igagalang at seseryosohin lalo pa at napakabata pa ng aking edad para maging alpha ng Golden Wolf pack. Tutol ang kalahati ng north council ng aming pack na ako ang papalit na alpha nang mamatay ang aking ama isang taon na ang nakalilipas. Hindi ko raw kayang pamunuan ng maayos ang aming pack dahil bata pa ako. Ang gusto nila ay si Beta Keiver ang maging bagong alpha ngunit tutol ang south council na siyang sumusuporta naman sa akin. Gusto ng south council na ako ang hahalili sa aking ama bilang alpha dahil ako ang kanyang tagapagmana ng titulo. Sa huli ay nagwagi ang south council na ako ang mahirang na alpha. May batas kasi sa aming pack na ang anak lamang ng alpha ang maaaring pumalit sa kanya at magiging alpha lamang ang isang Beta kapag walang tagapagmana ang namatay na alpha. Isang taon bago ako nahirang bilang official na alpha ng Golden Wolf pack dahil kinailangan munang makita ng north council kung karapat-dapat nga ba akong maging bagong alpha ng aming pack. At sa loob ng isang taon ay pinatunayan ko sa kanilang lahat na ako, si Hunter, ang nag-iisang anak ni Alpha Henry, ang tanging karapat-dapat na maging bagong alpha ng aming pack. Nagtagumpay naman ako na ma-established ang aking sarili dahil ilang werewolf pack ang tinalo ko sa pakikipaglaban para lamang maipagtanggol ko ang aming pack. Ilang beses kasing tinangkang sakupin ng ibang pack ang aming pack nang malaman nila na wala pang official na alpha ang aming pack. Pagkatapos kong matalo ang mga werewolf pack na nagtangkang manakop sa amin ay wala nang tumutol pa sa north council para tanghalin akong bagong alpha. Natakot din sila sa akim dahil ipinakita kong katapangan at kawalang puso sa pagpatay ng mga kalaban kong werewolves. Kung ang halos lahat na miyembro ng aming pack ay nangingilag sa akin ay kabaliktaran naman ang tatlong mga kaibigan kong ito. Alam naman kasi nila kung ano ang totoong ugali ko. "Seriously, Hunter. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon kung hindi ka interesado sa magandang alipin ni Hillary. Una, pinahiram mo siya ng panyo mo. Second, lihim mo siyang tinulungan sa pag-akyat sa rooftop garden ng mga flower vase, third, iniligtas mo siya sa tiyak na kamatayan and last but not the least ay nakuha mo na ang panyo mo subalit ibinalik mo pa sa bag ni Zeph at ginawa mo pang excuse iyon para makapunta ka sa bahay ng iyong Beta. Nag-aalala ka ba na parusahan ng matindi ni Beta Keiver si Zeph kaya sinadya mong pumunta sa bahay nila pagkauwi niya at idinahilan mo lamang ang tungkol sa panyo mo?" wika ni Asher na halatadong naguguluhan sa aking ikinilos. "Listen, all of you. Kilala natin na spoiled si Hillary kaya natitiyak ko na magsusumbong siya sa kanyang ama at parurusahan naman ni Beta si Zeph. Sinadya kong pumunta habang pinaparusahan si Zeph para ma-offend sa akin si Beta Keiver. Nakita niyo naman ang hitsura ng mukha niya nang mahinto siya sa pagpaparusa sa alipin nila. Gusto kong makita kong ano ang gagawin ng aking Beta sakaling ma-offend ko siya. Kung sasamantalahin ba niya ang pagkakataong iyon para mag-declare ng away laban sa akin o palalampasin niya ang pagkakataong ibinigay ko? Batid niyo naman na hanggang ngayon ay gusto ni Beta Keiver na agawin mula sa akin ang alphang titulo," paliwanag ko sa kanila para hindi na sila mag-isip na interesado ako sa alipin ni Beta Keiver. "Kung ganoon ay ginamit mo lamang si Zeph at ang kanyang sitwasyon para subukan si Beta Keiver?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ruyi pagkatapos ay nakipagpalitan ng tingin sa dalawa pa naming kaibigan. Hindi ako sumagot sa kanya sa halip ay ngumiti lamang ako ng makahulugan. Kung ginamit ko man si Zeph o hindi ay tanging ako lamang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD