Hinawakan siya ng babae sa magkabilang braso, mahigpit! Halos bumaon ang daliri nito sa balat niya bago siya malakas na isinandal sa nakasaradong pinto ng refrigerator. "Let me go! Who are you!" Nagpumiglas siya. Pero dumiin lang lalo ang hawak nito sa braso niya kaya nagtangkang sumigaw ulit si Carly subalit napigilan iyon nang biglang magsalita ang attacker niya. "C-Carly, Carly it's me... It's me!" hinihingal na usal nito. Umawang ang labi niya nang makilala ang boses nito. "Llana?" Tinitigan pa niya itong mabuti. At mula sa liwanag na pumapasok sa bintana, nakilala niya ang buhok, hulma ng mukha at hugis ng katawan nito. "Oh, god... what happened to you? P-Paano ka nakarating rito? Natagpuan ka na ng mga rescuer?" Sunod-sunod na tanong niya hawak sa balikat ang kaibigan na no

