Ilang araw nang iniisip ni Carly ang dahilan ng pagsisinungaling ni River sa kaniya. Pero kahit anong isip niya ay wala siyang maapuhap na rason. Alam naman niyang wala siyang karapatan na pagbawalan itong makipag-kita sa kung sinong gusto nitong kitain. At kahit mayroon siyang karapatan— hindi siya ganoong uri ng babae. Ang isa pang iniisip niya ay ang dahilan nang pag-iyak ni Llana. Walang nababanggit ang kaibigan na may problema at pinag-dadaanan ito kaya naman nag-alala siya. Pero 'di niya rin naman magawang magtanong ng diretsahan. Paano kung akusahan siyang pakialamera? "Okay, guys! Twenty minutes break muna tayo!" Nagsipag-alis na sa pila ang mga na estudyante noo'y nagpapractice sa pagmartsa para sa nalalapit na graduation. Tinungo na rin ni Carly ang bag at kinuha ang bottl

