Iniisip ba nitong magiging hadlang siya sa pagsasama nila? Na may balak siyang agawin rito si River? Although, napgdesisyon na naman na niyang layuan ang binata, masakit pa rin na pinag-isipan siya ni Llana ng ganoon. Pero naiintindihan niya. Hindi naman lihim sa circle of friends nila na naging malapit sila ni River. Marahil ay gusto lang protektahan ni Llana ang pamilyang nais nito para sa anak na hindi pa naisisilang. "Wala kang dapat ipag-alala. Hindi naman ako magiging pang-gulo sa inyo." Malumanay niyang sinabi. "I just want to make sure, Carly. Nakikita ko ang closeness niyo ni River. You liked him don't you?" She bit her lower lip. "We're just friends. Tulad kung paano niya kaibigan sila Adele." "Hindi naman ako tanga. Nakikita ko ang closeness niyo. He seemed to like you to

