Umalis sa pagkakasandal sa pader si Carly at sinalubong si River na kaagad lumapit sa kaniya. Ilang sandali pa siya nito tinitigan na parang 'di makapaniwalang nakatayo siya sa harapan nito. "What are you doing here?" Nilingon nito ang nilabasang silid at bumalik rin ang tingin sa kaniya. “Are you gonna visit Llana? I’m sorry but I wont allow it. Hindi pa tayo sigurado kung stable na siya. Ayaw kong masaktan ka lang niya ulit.” Nakagat ni Carly ang ibabang labi. “No. I’m not here for her. I’m here for you…” “Sa akin?” Tinuro pa nito ang sarili. Sunod-sunod siyang tumango at nagpunta sa likuran nito. “Basta! Huwag ka nang maraming tanong!” Sabay tinulak ito. Hindi tuminag ang binata at kunot noong nilingon pa siya na kuntodo ang pagtulak rito. “Saan nga?” Humahalukipkip na ngumuso si

