Madilim pa sa labas nang magising si Carly. Hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya kanina pagkatapos ng mainit na pangyayari sa pagitan nila ni River. Ngayong bumalik na ang isip sa katinuan, inaasahan na ni Carly na makakaramdam siya ng hiya at pagsisisi sa pagkakamaling ginawa. But why does it feel so right being in his arms? Why does she feels at peace and safe beside him? May nakakapa man siyang pagsisisi mas lamang roon ang kasiyahang kasama niya ito ngayon. Na sa binata niya ipinagkaloob ang unang karanasan. Ang selfish mo, Carly! Magiging ama siya ng anak ng best friend mo! How could you be so heartless! Sigaw ng isipan niya. Ipinilig ni Carly ang ulo upang alisin panandalian sa isipan niya ang tungkol roon. She only have tonight with him. Bukas magtatapos rin ang lah

