Dahil sabado walang pasok sa opisina si Carly kaya iginugol niya ang maghapon sa pag-aayos ng gamit nila ni Channel. Kagabi napag-usapan na nila ni River na roon na sila titira sa basement kasama nito. Hindi naman siya tumanggi, mas pabor nga ‘yon. Nakakapagtaka lang ang pagbabago ng isip nito gayong humingi pa ito ng isang linggo para ayusin ang mga gamit roon. May kinalaman kaya ang sinabi niyang pagtatalo nila ni Sean? Isinarado ni Carly ang maleta ng damit ni Channel saka dinampot ang cellphone nang makitang tumatawag si River. “Hello, Baby,” bungad niya rito. “Naayos mo na yung mga gamit niyo?” Umikot ang tingin ni Carly sa nagkalat na mga gamit at maleta saka napangiwi. Halos mga damit pa lang ang na-iimpake niya. May mga sapatos, bags, at accessories pa. Yung furniture bal

