Chapter 9

2785 Words
Habang bumibyahe ang jeep, hindi mapigilang mapaisip ni Carly. Ayaw niyang gawing big deal ang ginawa ni Llana. Okay lang rin naman na maupo siya kahit saang pwesto... But if she was being honest, she felt sad. Because If it was her she wouldn't that. Palagi niyang iniisip ang mararamdaman nito. Naputol ang malalim na pag-iisip ni Carly nang maramdamang sumiksik sa kaniya ang katabing lalaki. Kunot ang noong sinulyapan niya ito. He was wearing an earphones. Mukhang hindi ito aware na nasisiksik na siya nito. Well, masikip naman talaga sa jeep kaya binalewala na lang iyon ni Carly at itinuon muli ang tingin sa labas. Subalit hindi pa lumilipas ang ilang sandali, naramdaman na naman ni Carly na dumikit pang lalo ang lalaki sa kaniya. She felt uncomfortable and her eyes went down and saw the man's hand on her thigh. Iginalaw ni Carly ang hita para alisin nito ang kamay roon. Subalit gumapang pa ang kamay nito paitaas. Nanigas si Carly sa kinauupuan. She's wearing a skirt. At dahil nakapatong sa kandungan ang bag niya, hindi pansin na humihimas na roon ang kamay ng lalaki. She tried to move away from him but the space was to small, 'di siya makagalaw ng maayos. Kagat ang ibabang labi, pasimple luminga sa paligid si Carly. Her eyes were screaming for help. Nagtama ang paningin nila ni River na hindi napapansin ni Carly na kanina pa nakatingin. Nagsasalubong ang kilay na nilingon nito ang lalaki sa tabi ng dalaga. Naramdaman ulit ni Carly na tumaas ang kamay ng lalaki. He's now grasping her thigh, tightly. Boyleg lang ang suot niya underneath her skirt. Konting itaas pa ng kamay, mahahawakan na nito ang parteng wala pang ni isang nakakahawak. Nangingilid na ang luha ni Carly at nanginginig ang buong katawan sa takot. Hindi siya makagalaw. She never felt this helpless and scared ever in her life. Nang huminto ang jeep at bumaba ang isang pasaherong nakaupo sa harapan ni Carly. Nagulat siya nang biglang lumipat roon si River. Nagdilim ang anyo nito nang matitigan ang namumutlang mukha ni Carly. Pagkatapos ay bumaba ang tingin sa kamay ng lalaking nakapaloob sa skirt ng dalaga. Nanlaki na lang ang mga mata ni Carly nang biglang kwelyuhan ni River ang lalaki sa tabi niya dahilan para mabilis nitong alisin ang kamay na nasa hita niya. "Tangina mo. Anong problema mo." Hindi sumisigaw si River. But his tone was cold and dangerous. "Sorry, Boss! Sorry!" Halos masakal ang lalaki kaya pinipilit alisin ang pagkakakwelyo rito. "Sorry? Ulol." Binalingan ni River ang driver ng jeep. "Pakihinto, Manong. Dapat maturuan ng leksyon ang gagong 'to." Sabay hinila sa hawak na kwelyo patayo ang lalaki. "Baba!" Natatarantang sumunod si Carly kay River na bitbit ang lalaki pababa ng jeep. Bumaba na rin ang iba pa nilang kasama. "River! Hey! Wait!" Awat ni Llana rito pero wala itong naririnig na kinaladkad ang lalaki sa patungo sa baranggay na saktong hinintuan ng jeep. Inalalayan at nakapalibot naman kay Carly ang mga kaibigan at inaalo ang dalaga. *** Nagbigay si Carly ng statement tungkol sa nangyari at dumating ang mga pulis para damputin ang lalaki upang dalhin sa presinto. Humihingi pa ito ng tawad pero tinuloy niya ang pag-file ng case para hindi na ulit makapang-biktima ng ibang babae ang manyak na 'yon. "Pres, okay ka lang?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Adele. Mahigpit ang yakap sa braso niya. Nakaupo ito sa tabi niya sa sofa at kasalukuyang nandito na sila sa apartment ni River. "Kung hindi lang ako nakapagpigil nasuntok ko na ang hayop na 'yon!" Gigil na pinatunog naman ni Berna ang mga daliri nito. Nakaupo ito sa kaharap na single sofa. "Sarap ngang sabunutan ng manyakol na yon! Di na lang ako ang hinipuan! Si Pres pa! Si Pres pa talaga na virgin sa lahat ng kahalayan!" Si Chichi habang hinahaplos-haplos ang buhok niya. Napailing si Llana na nakaupo sa tabi ni Berna. "Alam mo naman kasing mag-co-commute tayo. Sana nagsuot ka ng damit na hindi ka mababastos." Tumaas ang isang kilay ni Kipay. "Alam mo namang hindi marunong mag-commute ni Pres. Tsaka bakit ka nag-vi-victim blaming?" "Hindi ko nag-vi-victim blaming. I'm just concern." Llana shot back, glaring. "Concern? Kung concern ka bakit hindi mo sa tabi mo pinaupo si Pres?" "Guys... enough." Pagod na awat ni Carly. "I'm fine... I'm really fine." Kahit ang totoo ay nanginginig pa rin ang katawan niya sa takot. Ayaw na lang niyang lumala pa ang sagutan ni Llana at Kipay. "Huwag nating siraan yung araw na dapat nag-ce-celebrate tayo." Tumayo siya mula sa sofa at binalingan si River na kanina pa tahimik na nakasandal sa may kitchen counter. "Pwede ba makigamit ng restroom?" Tumango ito at tinungo ang nag-iisang pinto sa studio type na apartment. Binuksan 'yon at chineck bago lumabas ulit. "Thank you." Pilit ang ngiting sabi ni Carly bago pumasok sa loob. Pagsarado sa pinto, nanlalambot na itinukod niya ang mga kamay sa sink at tinakpan ang bibig. She started sobbing quietly. Hanggang maari ayaw niya ipakita sa mga kasama na, umiiyak siya. She didn't want them to get worried about her. Kaya sinasarili na lang ni Carly ang nararamdaman, tulad pa noon. Ilang beses siyang huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili bagp naghilamos at lumabas na rin kaagad. Abala si Chichi at Kipay sa mga binili nilang alak sa salas. Para itong mga scientist na may tinitimpla roon na kung ano. May kausap naman si Adele sa cellphone na paniguradong Lola nito. "Okay ka na?" Napalingon siya kay River na umalis mula sa pagkakasandal sa washing na nakapwesto sa tabi restroom. "I'm fine... I feel better now." Tipid niyang ngumiti at nilibot ang tingin sa paligid. Napansin na kulang ang mga kaibigan. "Nasaan si Berna at L?" "Nag-volunteer si Berna na bibili ng yelo. Si Llana, lumabas may kausap yata sa phone." "Oh..." patango-tangong tinungo ni Carly ang dining table at inilabas mula sa paperbag ang binili nilang fries at nuggets. Naramdaman niyang sumunod ang lalaki sa kaniya "Saan pala 'to pwedeng lutuin?" "May pinainit na akong mantika rito." Lumapit ito sa stove na may nakasalang na pan. "Makikialam pa kami rito at makikigamit sa kusina mo." "Okay lang." Tumabi si Carly kay River sa harapan ng stove. Kahit hindi siya marunong sa kusina, pansin niyang kompleto mga kagamitan roon. May maliliit pang bote ng spices and herbs. "Do you know how to cook?" Lingon niya rito. "Oo. Natuto at nasanay na lang ako sa mga gawaing bahay simula no'ng mag-solo na ako." Hindi niya napigilang humanga rito. Ang independent na nga mature pa. Parang bihira na ang lalaking tulad nito. Lahat halos ng kakilala niyang lalaki sa university kadalasan puro na lang papogi. Except Vince of course, may pangarap at goal rin naman ang kaibigan niyang 'yon. "Sana all na lang ako," natatawang sabi niya sabay sinimulang lutuin ang nuggets at fries. Dahil medyo frozen pa, tumatalsik-talsik tuloy 'yong mantika. Panay iwas ni Carly na kulang na lang makipag-espadahan siya sa kawali. "Ako na." Biglang kinuha ni River ang sandok sa kaniya. "Hindi ka ata marunong magluto." Tatlo ang kasambahay nila sa bahay bukod pa kay Nanay Doring na Yaya na ni Carly mula pagkabata kaya hindi niya kailangang gumawa sa bahay. Minsan lang rin siyang pumuslit at sinubukang magluto, kamuntikan pa silang masunugan. "Marunong ako, ah..." pagsisinungaling niya. Hindi ito sumagot kaya sumandal na lang si Carly sa gilid nito at niyuko ang paanan niya. "Sorry..." biglang basag nito sa katahimikan. Nagtatakang tiningala niya ito. "What for?" "It shouldn't have happened if I didn't let you sat there. I'm sorry..." puno ng pagsisisi ang tono ng boses nito. "Hey..." kinuha niya ang sandok mula kay River at inilapag sa gilid. She held his cheek, staring into his eyes. "Walang ibang may kasalanan kundi yung manyak 'yon. And I appreciate what you did. Thank you." Nanatili lang itong nakatingin sa mukha niya pagkatapos ay napailing. "Umiyak ka?" "Hindi—" "Hindi? Namumula yung ilong mo." He lightly, tapped his fingertip on her nose. "Hindi pa ba tayo magsisimula?" Sabay napalingon si Carly at River sa nagsalitang si Llana na nakatayo sa may, nakahalukipkip. Nag-iwas ng tingin si Carly sa tila nanunuring tingin ni Llana at tumungo na lang sa salas at naupo sa tabi ni Adele. "Tara! Game na!" Aniya. "Kayo lang hinihintay namin, eh!" Reklamo ni Chichi. "Gumawa na ako ng cocktail!" She was not sure what it was p "Nasaan na ba yung yelo?" Lumingon si Kipay sa kadarating na si Berna bitbit ang isang plastic bag. "Oh, ito na pala!" "Ang hirap pala humanap ng yelo rito, Pre!" Naiiling na sabi ni Berna kay River na naupo sa harapan ni Carly. Tsaka sinalin 'yon sa pitsel na may lamang grape juice. "Simulan na natin 'to!" Tili ni Kipay sabay itinaas ang shot glass. "Walang ma-oy kapag nalasing, ah!" Pumwesto sila palibot sa center table. Nagpagigitnaan si Carly ni Kipay at Adele. "Walang mag-ma-make out!" Nakangising singit naman ni Adele na pinaglilipat ang nanunuksong tingin kay River na biglang namula ang tainga at kay Carly na clueless sa pinagsasabi ng mga kaibigan. Napapakamot sa batok na kinuha nito kay Chichi ang pitsel at sinalinan ang shot glass saka inilapag iyon sa lamesa. "Sigurado bang lahat kayo nasa tamang edad na para uminom?" "Opo, Kuya..." Bumungisngis si Carly. Para naman kasi itong nagtatanong sa mga bata. Kumunot ang noo nito. "Kuya..." Tumawa si Kipay. "Wag daw kasi Kuya ang itawag mo, Pres! Daddy!" "Ack! Daddeh!" Sabay na tumawa ng malakas si Chichi at Kipay na parang mga kinurot ang singit. Nagbungisngisan si Carly at Adele. Si Berna kunot ang noong nandidiri naman habang pinagmamasdan ang dalawang bakla. Llana was emotionless sitting beside River. "Hindi pa kayo lasing niyan, ah?" Naiiling na sabi ni River sabay kinuha at tinungga ang shot glass na inilapag sa lamesa. Ngayon nito napagtantong mali yata ang naging desisyon sa pagpayag na mag-inuman sa apartment. *** Kasabay ng maingay na tumutugtog na kanta ng sikat na Kpop Group na BlackPink sa cellphone ni Chichi ay ang sunod-sunod rin na pag-ikot ng shot glass sa kanilang pito. Si River ang nagsasalin ng alak para walang dayaan sa shot habang si Kipay naman ang nag-aabot sa kanila. Naisipan rin nilang maglaro ng board games pero nang magsawa nagsuhestiyon si Adele ng bagong laro. "Truth or dare! Truth or dare!" Lasing na sigaw nitong kinuha ang boteng wala ng laman sa gilid ng lamesa. "Walang KJ, ah!" "Mhie! Ako na lang magpapaikot!" Inagaw rito ni Chichi ang bote at ipinuwesto sa gitna. "Ahhhh! Ayoko ng pabebe dare, ah! Sinasabi ko sa inyo! Gusto ko yung malala!" "Oh, sige! Sumisid ka sa inidoro! Ano deal?" Pang-aasar ni Berna. Hindi na halos maintindihan ni Carly ang pinagsasabi ng mga kasama. Tawa na lang nang tawa kahit wala namang nakakatawa. "Hoy, Pres! Nabubuang ka na diyan!" Tumatawang sabi ni Chichi na nilingon si Carly. "Wag niyo na 'yan bigyan ng shot." Singit ni River na matamang pinagmamasdan si Carly. Nabaling ang atensyon ni Carly rito na namumula na ang pisngi at labi. Tumawa pa siya bago bahagyang dumukwang sa lamesa at pinisil ang pisngi ng lalaki. "Cute mo talaga!" Sabay-sabay na nagtilian si Kipay, Chichi at Adele. Pinaghahampas pa ng mga ito sa braso si Carly na tawa pa rin nang tawa. "Shutangina, Pres!!" "Ang landeeeeh, Mhie!" "Luh, PBB teens!!" "Oy, baka nasasaktan na 'yan," namumula ang taingang awat ni River sa tatlo. "Ayiiieee! Ayaw nasasaktan si Pres!" "Lumayas ka diyan, Kipay!" Binato ito ni Chichi ng balat ng Piatos. "Epal ka eh!" Sabay tumayo at hinila si River sa braso. "Aray ko." Mahina ngunit matalim na reklamo ni Llana nang matamaan ito ng siko ni Chichi. Dineadma naman ito ng bakla at pinaupo sa tabi si River sa tabi ni Carly. "Ayan! Tabi dapat kayo! Perfect!" Pumapalakpak at kinikilig na tili nito. Naiiling na napakamot si River sa noo nito saka binalingan si Carly. "Okay ka pa?" "Me?" Tinuro ni Carly ang namumulang mukha nito. "Okay na okay!" Sabay thumbs up. "Oh! Okay naman na pala! Game! Paikutin na 'to!" Si Berna na nga ang nagpaikot ng bote. “Who would it be— ah!” Nagtitiling tinuro ni Adele ang hinintuan ng bote na walang iba kundi si Carly. “Si Pres!” Natigil sa pagbungisngis si Carly kahit natatawa pa rin talaga siya ng walang dahilan. Pakiramdam pa niya ang init-init ng katawan niya at mukha. “Truth or dare?” Seryosong tanong ni Chichi. Lahat sila ay bumaling ang tingin kay Carly, naghihintay ng isasagot niya. “Uh…” her mind was drifting away. Kaya kung ano na lang ang naunang pumasok sa isip ay iyon ang sinagot niya. “Dare!” “Shuta!” Sinabunutan ni Chichi si Kipay. “Matapang ang Presi natin!” “Ako magbibigay ng dare! Tabe!” Hinawi ni Adele ang pagmumukha ng dalawang bakla atsaka pinihit paharap si Carly. “Ang dare…” lumipad ang tingin nito bote ng alak. “Limang shot ng Bacardi!” Sabay ngisi. “Tagayan mo na Chichi!” “Whaaaat…” Namumungay ang mga matang ipinatong ni Carly ang babà sa table, at inikot ang eyeballs sa limang shot glass na may lamang alak sa harapan ng mukha niya. Hindi pa niya iniinom ‘yon pero parang nadadagdagan na pag-ikot ng paligid niya. “Shot! Shot! Shot!” Sabay-sabay na sigaw ng mga ito, hinahampas pa ang table. Namumungay ang mga matang itinukod ni Carly ang nanlalambot na mga kamay sa lamesa at pinilit na ibangon ang katawan. “Ako na lang ang iinom.” Pagpiprisinta ni River nang makitang lasing na lasing na ang dalaga. “Hindi! Walang saluhan!” Awat ni Kipay na hinarang pa ang aktong pagkuha ni River sa shot glass. “I got this! I got this!” Itinaas ni Carly ang mga kamay at hinampas pa ‘yon sa lamesa, creating a loud noise. “Gimme that f*****g shot!” Kinapa niya ang lamesa at nang mahawakan ang unang shot glass, in-straight niya ‘yon. “Whooo! Shot! Shot! Shot!” Cheer ng tatlo. Napapailing si River na nasa tabi ni Carly , Inaalalayan ang dalaga sa paghawak ng shot glass. “Ah! Ang init sa lalamunan!” Sigaw ni Carly na kinuha ang pangalawang shot at inasang lagok ‘yon, maging ang pangatlo at pang-apat. Natapon pa ang huling shot sa damit niya na tinawanan lang rin ni Carly. “Grabe!” Tumatawang inabot ni Adele ang bote kay Carly para paikutin ‘yon. Halos wala na siyang lakas kaya pagkatapos ‘yon paikutin ay sumandal siya nang hindi sinasadya sa balikat ni River. “Kaya mo pa?” Tanong nitong yumuko ng kaunti. Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang mukha. Hindi siya sigurado kung ang alak na lalong lumalasing sa pang-amoy niya ay sa kaniya o rito. Nakapikit na marahang tumango si Carly. She couldn’t utter a word. Her world was spinning so fast! Para siyang nakasakay sa roller coaster. Hindi na niya halos naiintindihan ang pinagsasabi ng mga kasama. “Oh! Si Vice naman!” Ani Chichi nang huminto ang bote kay Llana. “Truth or dare?” Nagkibit ito ng balikat. “Dare.” Sabay nagsalin ng alak sa shot glass at nilagok ‘yon. “Oyyyyy…” siniko ni Adele si Kipay, tinaas-taas pa ang dalawang kilay. “Matapang ito…” “Ako! Ako naman magbibigay ng dare!” Tumaas ang isang kilay ni Llana nang magprisinta si Kipay. “Ayos-ayusin mo lang, bakla ka.” Banta nito. “Walang KJ diba?” Umirap si Kipay na hindi man lang nakaramdam ni katiting na takot. Mas nairita nga ito. “O sige nga kung matapang ka, halikan mo sa lips yung crush mo dito!” “Gaga ka talaga!“ siniko ito ni Adele sabay nginuso si River na nakaakbay na kay Carly habang nakasandal sa balikat nito ang ulo ng dalaga. Sinundan ni Llana ang tinitingnan ng dalawa at gumalaw ang panga nito. “Yon lang ba ang dare?” Umawang ang labi ni Adele, Chichi at Kipay nang biglang dumukwang si Llana sa lamesa at hawakan sa kwelyo si River. Nagulat ito nang makitang lumalapit ang mukha ni Llana. Just in time, na binangon ni Carly ang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ni River. Napalingon ito nang mabilis sa kaniya dahilan para sa pisngi lang nito dumampi ang halik ni Llana. Pinagmasdan naman ni Carly ang itsura ng dalawa sa harapan niya. Llana was holding River’s collar, kissing him on the cheek. “Why are you kissing him?” Kumunot ang noo niya at tumagilid ang ulo. “Do you have a crush on him?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD