Chapter 58

2267 Words

“Oo. Bahay ito ni Tito John,” kaswal nitong sagot. Muling inilibot ni Carly ang tingin sa inaagiw at amoy lumang basement. Kamuntikan pa siyang mapatili nang may dumaang daga sa paa niya. Paano rito nakakatagal si River? Saan ito natutulog? ‘Yong lumang sofa, dahil sa kulamaan halos butas na nga ang upuan niyon. Maliliit lang ang bintana at walang pumapasok ng hangin kaya wala pang isang oras pinagpapawisan na siya. Wala man lang ventilator. Siguradong mas mainit rito kapag tanghali. Sa loob ng magdadalawang buwang relasyon nila, ngayon lang nagawang magtanong ni Carly sa nobyo. Tulad kasi noon, mas gusto niyang kusang loob na mang-galing rito ang mga pangyayari sa buhay nito sa loob ng apat na taon. At ngayon niya napagtantong— wala pa rin pala siyang nalalaman tungkol sa nakaraan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD