▪️▪️?▪️▪️ CHAPTER 29 HER LAST KISS HIRO Nakasunod ako ngayon sa kotse nila mom. Mabilis ang takbo nito at di alintana ang lakas ng ulan. Kahit na madulas rin ang daan ay nakafull speed na ang meter ng sasakyan. Iniliko ko ang aking Aventador ngunit agad rin akong napaapak sa break nito nang makaramdam ng kakaiba. Marahas na huminto ang kotse kaya nauntog ang aking noo sa manibela. I stared dizzily outside the car then I gripped my chest unknowingly. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay bigla ring bumigat ang aking katawan. Naikuyom ko ang aking kamao nang mas sumakit ang aking puso at kusang bumagsak ang mga luha ko. What is this feeling? Para akong hinila sa madilim na abyss—madilim at nakakatakot. Habang pilit kong iniibsan ang emosyon ko ay sumagi naman sa isip ko ang mukha ng

