CHAPTER 22 THE BELL TOWER "I still have an army to lead." "Sh*t! Basil lumayo ka sa akin! Pareho tayong malilintikan kapag ako ang tinamaan ng bala!" Inis kong binilisan ang pagtakbo habang pinapaulanan rin ng bala ang kalaban. Sa bawat paglapit naman nila ay siyang pagtigil ko upang makipaglaban ng kamao. Dalawang kilometro pa. Konti na lang at makakalapit na ako sa bell tower. Bang! Bang! Bang! Dumapa ako upang iwasan ang sunod sunod na putok ng baril bago gumulong sa akin kanan. Akma namang sisipa ang kalaban pero agad ko siyang pinaputukan sa binti. Sa pagkakataong iyon ay tumalsik ang kaunting dugo sa aking mukha. "Aish! Konti pa!" "Thyme! I'll cover for you! Huwag kang tumigil sa pagtakbo!" Rinig kong sigaw ni Basil. Tumango ako at muling tumayo. Tama siya. Sa mundong aming

