Alesander Miller Part Two His side HALOS papalubog na ang araw nang magising ako sa malakas na pag-alog sa balikat ko. Pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang tila naiinis na tingin ng driver na sumundo sa akin. “Andito na tayo! Pumasok ka na sa loob nang makaalis na ako, kanina ka pa ginigising, antukin.” Walang imik na binitbit ko ang mga gamit ko at bumaba ng sasakyan niya. Wala pang segundong nakakababa ako ay mabilis na iyong humarurot paalis. Kunot-noo kong tiningala ang mataas na gate na nangangalawang. Tanaw ko sa siwang ang makalumang bahay na nakatayo roon. Wala akong naririnig sa paligid maliban sa mga huni ng ibon. Inilibot ko ang tingin at halos wala akong matanaw na kabahayan sa lugar. Pagtingin ko sa relo ay alas-singko na nang hapon. Tatlong oras ang tutoring

