“EVERYONE, can I borrow my future husband for a moment?” kinakabahan ngunit ma-awtoridad na saad ni Vivianne. “I believe we should rest for a bit before the wedding, right?” dagdag niya pa nang tingnan siya ng reporters bago tumingin kay Beckett. Maging si Beckett ay nagtaka dahil sa biglaang pagsingit niya sa usapan. Hindi naman kasi ‘yon gawain ni Vivianne. Madalas ay nakikinig lang ito sa mga usapan at walang pakialam, ngunit iba ang babae ngayon. Muli lang nabalik si Beckett sa wisyo nang kurutin siya ni Vivianne. Nakatingin ito sa lalaki nang masama at tila sinasabing tulungan siya nito. “Ah, right,” ani Beckett at naintindihan na ang gustong mangyari ng dalaga. Tumingin siya sa reporters at ngumiti. “I will let you interview me after this. Kindly excuse us.” Naglakad na si Becket

