THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 24 ADDICTED CHANTAL’S POINT OF VIEW. I can’t stop myself from wanting more. Para na akong mababaliw kapag nakaramdam ako ng konting kirot sa aking paa at nag ha-hallucinate na rin ako, pero kailangan kong mag focus dahil ngayon na ang aking show. I need to focus on my performances dahil maraming tao ang pupunta sa venue at may media rin na mag co-cover ng mga pangyayari sa aking show at ipapalabas ito sa TV. Napatingin ako sa lalagyan ko ng pills at nakita kong dalawa na lang ang naiwan. Ang dami kong nakuha na drugs kay Joshua pero dalawa na lang ang natira ngayon. Walang ibang nakakaalam sa pinaggagawa ko—kahit na si Christine na unang tumulong sa akin. Alam ko na kapag malaman niya ang totoo ay magagalit siya sa akin at sisisihin niya ang kanyang s

