THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 30 ANNOYED CHANTAL’S POINT OF VIEW. “Miss Chantal, inumin niyo na po ang gamot niyo. Ang sabi ni Doc Jayden ay kailangan niyo na raw po ‘yan mainom ngayon kundi siya raw ang magpapainom sa iyo nyan,” wika ng nurse na pumunta dito sa aking room. Kahit na pwede naman sanang ilagay na lang sa may table ang mga gamot ko at ako na lang ang iinom pero may pinapapunta talagang mga nurses dito ang lalaking ‘yun at binibigyan ito ng extra na trabaho. Kahit na wala rito sa hospital si Jayden ay gumagawa pa rin talaga siya ng paraan para ma bwisit niya ako. “Kaya kong uminom ng gamot na ako lang. Pakilagay na lang diyan sa table,” malamig kong sabi habang nakatutok sa aking phone. “M-Miss Chantal, kailangan talaga na inumin niyo ang gamot. Need ko kasing ipaki

