THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 36 ALMOST CHANTAL’S POINT OF VIEW. KAMI na ulit ni Jayden. Nagkabalikan na kaming dalawa. Ang sabi niya naman ay wala akong dapat ipag-alala dahil single siya bago siya umamin sa akin na mahal niya ako. Hindi naman ugali ni Jayden na mag two time ng babae, hindi kagaya ng ibang lalaki dyan. “Ano, kumusta naman kayong dalawa ni Doc Jayden? Nasabi mo na ba ang totoo sa kanya? Nag confess ka na ba sa tunay mong nararamdaman para sa kanya?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Christine. Napadalaw ulit siya rito sa hospital dahil day-off niya sa kanyang work. Iyon kaagad ang pambungad na tanong ni Christine sa akin at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang tanong ngayon. Best friend ko naman si Christine at lahat ng mga sikreto ko at mga nangyayar

