Liwayway “Ano po ang ikukuda niyo sa akin ma’am?” tanong ko kay ma’am Phinay. Tapos na ang klase namin at naiwan ako muli sa room niya kaya kami lang dalawa ang tao ngayon dito. Si Merin ay gumora na papasok ng work samantalang si Pitung bakla ay magdidilig pa raw ng mga halaman niya kaya nauna na siyang umuwi at iniwanan na ako. Tuwang tuwa pa nga ito dahil malalaki na raw ang mga butong binili niya noon sa Shozada. Mayari raw siyang magdilig ng halaman ay magpapadilig naman daw siya sa secret boyfriend niya. Kaloka! “Anong ikukuda?” naguguluhang tanong sa akin ni ma’am. Ay, hindi nga pala alam ni ma’am ang gay lingo. Nais niyo bang turuuan ko siya minsan? HAHAH! “Sasabihin po ang ibig sabihin no’n, hehe,” nahihiyang paliwanag ko. “Ah…

