Liwayway “NABUSOG ka ba?” tanong ko sa batang bibo na kausap ko kanina nang makabalik ako sa puwesto niya. Hindi ko pa naitatanong kung ano ang pangalan niya. Gusto ko siyang makilala. “Opo, ate. Nakailang dighay na nga po ang tiyan ko e,” magiliw nitong sagot. Humawak pa siya sa tiyan niya upang suportahan ang kan’yang sinabi. “Ano nga palang name mo at bakit ka nag-iisa ngayon?” Maayos, wala siyang sipon at tulo laway katulad ng ibang batang naririto. It is just a sign, kahit paano ay malinis pa rin ito sa katawan kahit na kapos sa buhay at walang sapat na gamit panlinis. Kinilatis ko siya, napansin ko sa paa niya ang mga sugat na nagnanaknak, ito marahil ay dulot ng mga dumi sa lugar nila, kasama na rin ang mga germs sa paligid. Kai

