After days Liwayway “Tatagan mo ang sarili mo, Liwayway. Hindi uubra rito ang pagiging malamya ng iyong mga galamay. Puputulin ko iyan,” utos sa akin ni ma’am Phinay. Nandito ulit ako sa kanila dahil pinatawag niya ako. Kakatapos lang ng klase namin pero hindi kami nagsabay ni ma’am na gumora sa kanila. Baka akalain ng mga tao na sugar mommy ko siya. Char! Takang-taka nga sina Merin at Pitu kung bakit hindi ako sumama sa awra naming tatlo. So, ang rason nga kaya ako naririto ay nararamdaman na raw ni ma’am na muli nang nabubuhay ang kapangyarihan ng kasamaan. Ito ang ganap namin ngayon. Tinuturuan niya kung paano gamitin ng tama at mahusay ang pamaypay kagaya nga ng pangako niya. “Need po ba talaga matatag? Wala naman po siguro ako sa military training ma’am. Da

