Liwayway SA KALSADA, kasalukuyang isinasaayos ng kapulisan, kasama ang ibang ahensya na may kaalaman sa ganitong insidente ang mga taong nabiktima ng mga Piranang likha ni Rheda. Magulo ang paligid dahil sa mga saksakyan na naghalang sanhi nang bungguan. Kasama na rito, ang mga dugong kumalat sa kalsada na tumagas sa leeg ng mga biktima. Ang tagpong ito ang lubos na dumurog sa maawaing puso ko. Hindi ko nais masaksihan ito! Kasalanan ko ba ang lahat? Kailangan ko na bang isuko ang pamaypay? Habang tumatagal ay palala nang palala ang mga nangyayari. Subalit ayokong tanggalan ng respeto ang tinig na bumulong kanina sa akin, huwag kong hayaan na lamunin ng kahinaan at pag-aalala ang sarili ko. Kung mapapasakamay ng mga demonyong nilalang ang pamaypay ay baka mas matindi pa rito ang maaar

