Paglalahad ng Manunulat Bumalik si Illuka ng talunan sa kuta nila. Nanggigil sa galit ang reyna dahil sa kapalpakan nitong mabawi ang pamaypay sa unang niyang pagsubok. “Patawad mahal na reyna, hinding hindi na mauulit ang nangyari,” naka-yuko at kinakabahang wika ni Illluka sa reynang kasalukuyang naka-upo sa kan’yang tronong gawa lamang sa isang ordinaryong upuang kahoy. “Kung hindi ka sana naglumandi noong kalaban mo ang taong nagnakaw ng pamaypay, sana ay natalo mo na agad ito at nakuha ang pamaypay mula sa kaniya!” sigaw ng mahal na reyna kay Illuka. Wala siyang idea sa kung sino ang taong tumulong sa taga-hawak ng pamaypay dahil may kakaiba rin itong kapangyarihan. Alam niyang ito rin ang taong nagkubli sa pamaypay upang hindi niya malaman ang kinalalagyan nito. Tumayo ang reyn

