Liwayway “Kamusta ang pagiging third wheel?” tanong ko kay Pitu nang makarating ako sa puwesto nila. Naka-ngiti silang tumingin sa akin na animoy ngayon lang kami nagkita-kita. Hindi maikakaila sa mga mga mapanuri kong mga mata ang bonggang posisyon nina Merin at Gab. Ganito ang posisyon nila. Naka-akbay si Gab kay Merin, samantalang si bakla naman ay kung maka-emote, akala mo namang lamig na lamig at super need ng mga maiinit na braso ng kan’yang jowa. Itchusera, kapag hindi ako nakapagpigil ay sisindihan ko siya ng buhay. Kidding aside! “Tinanong mo pa talaga no? Parang hindi mo naman ang feeling ng third wheel kung maka-tanong ka gurl. Eh wala ka rin namang jowa katulad ko,” pangmamata niya sa pagiging single ko. “Adi, huwag mo nang sagutin,” ani ko at naupo sa tabi niya. Nang maka-

