Ilang buwan na akong nakatira sa bahay ni Asher pero ngayon lang kami nagka oras para mag bakasyon, nandito kami ngayon sa limawasa dahil dito gusto tumira ni ate Serena at kuya Mave kaya kami na ang dumalaw sakanila, besides kuya wants to meet the kids. Sina mommy nalang ang hindi namin nadadalaw ni Asher. "Knock, knock" narinig ko ang boses ni ate Serena sa may pintuan ng kwarto ko, nilingon ko siya at nginitian. "Yes, ate?" nakangiting tanong ko sakanya, naka ngiti itong lumapit sa akin at ipinakita niya ang daliri niya sa akin, napa nganga ako nang makita ang singsing na naka suot sa daliri niya. "Oh my gosh! when's the wedding?!" excited kong sigaw at niyakap si ate Serena habang nag tatalon talon. "Months from now, don't skip my wedding ha! magagalit ako sa'yo" nakangiting

