Maelis Yalena Rouge's Point of View ... "Tara na, buti naisipan mong mag benta ngayon" naka ngising sambit ni Sorin sa akin. "May nag benta kasing mga bata sa akin kahapon, sayang naman kung hindi ko bibilhin, tsaka kita na rin 'yon sakanila." sagot ko. "Sabagay" tumatangong sambit ni Sorin. "Ayan tapos na" sambit niya nang maayos namin ang mga paninda namin. "Wala ka ba talagang gusto kay Art?' tanong niya sa akin. "Wala, kahit pigain ko pa, wala talaga." sambit ko sakanya, iyon ang totoo, dahil hindi ko alam kung paano ako nagustuhan ng lalaking 'yon. "Hindi ko nga alam paano niya ako nagustuhan eh, halos hindi naman nag k-krus landas namin." mahinang utas ko, tumango naman si Sorin sa sinabi ko. "Baka may hidden agenda? diba? bigla silang lumitaw sa bayan the same day na

