Chapter 1

1316 Words
Alas kwatro ng madaling araw nang magising ako dahil sa mahihinang katok na narinig ko galing sa pintuan ng kwarto ko, bumangon ako at nag hilamos sandali bago ko binuksan ang pintuan. "Tulog mantika" bungad sa akin ng kuya ko na si Maverick, sumimangot ako sa sinabi niya at hindi nalang siya pinansin. Dumiretso ako sa kusina ng bahay, doon ko nadatnan si inay at itay na nag aalmusal, tahimik ko lang silang dinaanan para mag timpla ng kape dahil medyo inaantok pa ako. "Sigurado ka bang sasama ka, Yal?" tanong sa akin ni kuya, nagtatakha ko siyang tinignan. "Oo kuya, bakit? bawal ba?" tanong ko sakanya. "Hindi naman, naninigurado lang" kibit balikat niyang sagot, tumango ako at binitbit ang tasa na may lamang kape. "Tama 'yan, isama siya sa pangingisda ng may silbi naman siya." biglaang sambit ni inay, naramdaman ko ang pag siklab ng galit sa kaloob looban ko. "May silbi ako nay, hindi mo lang nakikita dahil pagdating sa akin bulag ka. Pero sa bunsong anak mo, puring puri mo sa palakol niyang grado, pero sa mga matataas kong grado wala kang pakielam." galit kong sambit sakanya at padabog na kinuha ang pandesal na nasa lamesa at ang palaman na reno. "Bastos kang bata ka!" galit na sigaw niya sa akin kaya hinarap ko siya. "May bago ba? palagi naman akong masama sa mata mo, wala naman akng pakielam sa iniisip mo tungkol sa akin, huwag kang mag alala kapag naka hanap ako ng mapapangasawa, hindi na ako babalik dito para naman makita mo kung may silbi ba 'yang bunso mong anak, clearly me and kuya Maverick are just a toy for you to play, psh." ingos ko at lumabas na ng bahay, may sakit si tatay kaya hindi siya nakaka sama kay kuya na mangisda kapag madaling araw, wala naman siyang kibo sa naging sagutan namin ni inay, dahil alam niya kung sino ang tama, ayaw niya lang mag salita dahil siguradong pag didiskitahan siya ni inay. "Wait till I get you out of here, Yalena." seryosong sambit ni kuya sa akin, nginitian ko siya at umiling. "Hindi na kailangan kuya, huwag mo ako intindihin. Pero ni minsan ba, hindi ka napapagod? na palaging ganon ang nangyayari?" tanong ko sakanya habang nilalagyan ng palaman ang mga pandesal para sa almusal ko. "Sa totoo lang, pagod na rin na ako, Yalena." nakangiting sambit ni kuya, tumango ako, ang alam ko ay balak na niyang mag asawa t bumukod pero hindi niya magawa dahil nga hindi pa makapangisda si itay, wala namang aasahan si kuya sa bunsong anak. "Masyadong tamad si Marlon. Sinanay ni inay, ngayon tignan mo naman, hindi kaya mag hugas ng pinag kainan, ayaw din ni inay kasi nag aaral daw si Marlon, bawal mapagod, tatanggapin ko pa sana kung nahihigitan ang grades ko, pero hindi, pasang awa naman, pero ang taas ng pangarap sakanya" natatawang sambit ko, natawa naman si kuya sa sinabi ko, umiling iling siya sa sinabi ko. "Hayaan mo na, ang pangit naman ng pangalan niya, naubusan na yata sila ng pangalan na maisip, you are Maelis Yalena Rouge, while I am Maverick Shaul Rouge, while him, he is Marlon Santos." naiiling na sambit ni kuya, natawa ako sa sinabi ni kuya, dala ni Marlon ang epelyido ng inay, habang kami ni kuya ay apelyido ni itay ang dala, second wife si inay, habang ang tunay naming ina ay hindi ko alam kung saan na siya ngayon. "Anak kasi tayo sa labas" naiiling na sambit ko sakanya, sumimangot naman si kuya kapag kuwan ay natawa nalang din. "Are you done?" puna niya nang ilapag ko ang tasa sa upuan na wala nang laman. "Yes kuya" sagot ko sakanya, tumango naman ito sa akin. "Let's go, we need to hurry para makarami tayo ng huli, para naman makapag tabi tayo ng pera para sa ating dalawa" sambit ni kuya, tumango ako sa sinabi niya at pinasok ang tasa at kutsara na ginamit ko, hinayaan ko lang ang mga ito na nasa lababo at lumabas na, dala dala ko ang mga pandesal na nilagyan ko ng palaman, sumunod ako kay kuya papunta sa kung saan naka handa na ang bangka na gagamitin namin. Sumakay ako sa dulo ng bangka, habang si kuya naman ay sinimulang paandarin ang bangka, pumalaot kami hanggang sa matunton namin ang mahabang kawayan, palatandaan na rito ang p-pwestuhan namin. "Help me with this, Yal." sambit ni kuya, tumango ako at tinulungan ko siyang ayusin ang lambat na itatapon sa tubig, nag bilang lang siya hanggang tatlo at sabay naming tinapon ang lambat, muntik pa nga ako mahulog buti nahawakan niya ako. "Fu.ck, that was close" naiiling na sambit ko, tumawa naman si kuya at kumuha ng pandesal na naka lapag sa may tabla na nag mistulang upuan. "Are you happy, for this life that our father provided, Yal?" biglang tanong sa akin ni kuya, tinitigan ko siya at bahagyang tumango. "I am grateful and happy kuya, pero sometimes you know? I am wishing na sana maibalik tayo sa dati nating buhay, I don't miss the luxury things, I miss the feeling of having a comfortable home where in no one will deprive me of the things that I deserve" naka ngiting sambit ko kay kuya. "Just wait okay? nag iipon ako para makapag aral ka, I am guessing na next school year makakapag enroll kana." nakangiting sambit ni kuya, gulat akong napa tingin sakanya. "Totoo ba kuya?" tanong ko sakanya, tumango siya sa naging tanong ko. "Thank you, kuya." naiiyak kong sambit, natatawa naman niyang tinanggap ang yakap ko at marahang hinaplos haplos ang buhok ko. "Ang haba na ng buhok mo, may balak ka bang magpa gupit?" tanong sa akin ni kuya, tumayo ito at sinimulan nang kunin ang lambat. "Hm, ayoko ko kuya eh, why? do you want my hair short?" naka kunot ang noong tanong ko sakanya, umiling naman ito sa naging tanong ko. "I like what you like for your hair, Yal. Ayokong diktahan ka sa mga bagay na dapat ikaw ang nag dedesisyon" sambit niya sa akin, naka ngiti akong tumango ako at tinulungan ko siya sa pag ahon ng lambat, umawang ang labi ko nang makita ang mga malalaking tilapia at bangus na naka sabit sa lambat. "Ang dami, kuya!" naka ngiting sigaw ko at iniahon na namin ng buo ang lambat at nilapag ito sa lapag ng bangka, kinuha ko ang isa pang lambat at inabot sakanya, katulad ng ginawa namin kanina ay itinapon din namin ang lambat, pagka tapos ay kinuha ko ang isa pa na itinapon namin sa kabilang gilid, kung marami ang huli sa una, siguradong sagana sa yaman ang tubig dagat ngayon. "We are so lucky" nakangiting sambit ni kuya, ngumisi ako sa sinabi niya at isa isa na naming inalis sa lambat ang mga isda. "Ohmygosh" natatawang sambit ko nang mag pisik pisik ang isang tilapia dahilan matalsikan ng tubig dagat ang mukha ko. "Kuya? okay ka lang ba?" tanong ko sakanya, dahil nakita ko itong naka titig sa kawalan. "Anong gagawin mo kapag nalaman mong balak bumalik ni mommy sa buhay natin?" tanong niya sa akin, napa tigil ako sa naging tanong niya. "None, I won't accept her, if that's what you want to know, kuya." nakangiting sagot ko sakanya. "Valid enough, I will tell her later about your decision." sagot niya sa akin, tumango ako dahil alam ko naman na may komunikasyon sila dahil hindi naman mag tatanong ng sobrang random ni kuya. "Ikaw ba kuya?" tanong ko sakanya, I want to acknowledge his opinion, dahil kung gusto niya, I am willling to compromise. "No, if you don't want her on our life again, then I don't want her also. I value you feelings, you're my top priority, Yalena, kasi kapatid kita, ikaw ang laging una sa mga pag pipilian ko." sagot niya sa akin, ngumiti ako kay kuya, ngiting nagpapasalamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD