Maelis Yalena Rouge's point of view "Good morning mom!" nakangiting bati sa akin ni Scarlett nang madatnan ko siyang nasa sala. "Good morning baby, anong oras ang pasok niyo?" nakangiting tanong ko sakanya. Usually ay driver ang nag hahatid sakanila pero ngayon ay si ate na, as per her request dahil malapit na rin naman ang alis niya pabalik sa ibang bansa. Hindi siya pwedeng mag tagal sa pilipinas dahil may naiwan pa siyang trabaho roon na hindi niya pwedeng iwan. "Hinihintay nalang po si kuya Aexel mommy, tapos ihahatid na po kami ni tita" nakangiting sagot sa akin ng bata. Nakangiti akong tumango sakanya at iniwan muna siya sandali para mag punta sa kusina dahil nagugutom na ako. "Wala kang pasok?" tanong ng boses na nanggaling sa likuran ko. Humarap ako at nadatnan ko si Asher n

