Chapter 1

913 Words
Hi readers! Magpapakilala muna ako. I am Alice Jane C. Gomez. I'm 19 years old. Nerd ang tawag sa'kin ng mga kaklase ko dahil gustong gusto ko ang magbasa ng libro na may magagandang stories and something na makakapagpatalas ng mind ko. Lalo na ang mga books about pharmacy dahil BS Pharmacy ang course ko.I am recently a third year college student. Nakuha ko ang full scholarship sa University of Santo Tomas kaya libre na ang pag aaral ko dito. Hindi naman kasi namin kaya ang tuition fee sa mamahaling school na to. Share ko lang sa inyo na mama's girl ako. Lahat ng problema ko si mama muna ang nakakaalam bago si papa. Ewan ko siguro kasi nasanay lang ako na si mama ang nandyan palagi kapag wala akong mapagsabihan ng problema. Si papa kasi syempre laging nasa work. I have also two siblings. Si Arnold Gomez, 3rd year highschool at si Amira Gomez naman Grade 6. Ngayon ay first day of school para sa third year 1st sem kaya maaga ako gumising para mapaghandaan ko 'to at higit sa lahat excited kasi ako hahaha...lagi naman ako excited pag first day of school samantalang yung iba kinakabahan naman ewan ko ba ang weird ko. "Mama, papa aalis na po ko ah." Paalam ko sa kanila. "Ang aga naman anak kumain ka muna oh at tsaka madilim pa." Sabi ni mama. "Kumain na po ko sige po alis na ako." Sabi ko at nagmano na sa kanila. Ang aga ko nga nakarating hahahaha. Oras ng pasok ko 8:00 a.m. to 2:00 p.m. tapos nandito ako ng 7:00 a.m. hahahaha di naman kasi ako excited eh. Hindi naman talaga ehh sino ba kasi excited? Ah baka ikaw author no? Hahaha joke lang. Konti pa lang ang mga estudyante kaya pumunta na muna ako sa field at umupo sa sahig para magbasa ng libro about pharmacy para marefresh ang utak ko since alam ko naman na ang schedule ko pati mga subjects. 7:15 a.m. 7:30 a.m. "Oyyy!!! Bwisit naman! May tao dito oh. Please naman tumingin ka sa dinadaanan mo!." Nakakainis paano ba naman kasi may sumulpot na nilalang na di yata nausuhan tumingin sa dinadaanan niya at natapunan niya ako ng...gatas? His looks? Aba huwag niyang daanin sa sorry ang lahat kahit gwapo siya. Actually gwapo naman talaga siya. He has a tantalizing eyes, pointed nose, red lips, smooth and shiny skin, he is also tall, fair color of the skin, and perfect body built. Kahit na naiinis ako, nainsulto ako non ha. Pandak ba ako para di niya makita? O kaya dwende? "Sorry miss, I didn't see you. Pwede ka naman kasi umupo sa mga bench sa paligid. Para san ba yun pangdesign? Inuupuan yon." Sabi ng lalaking mahilig sa gatas at tumawa naman yung lalaking kasama niya. Actually may itsura rin ang lalaking ang kasama niya kaya lang tawa ng tawa baka may saltik sa utak. "Oo nga naman...bakit nga ba ko uupo sa lapag eh marami nga namang upuan sa paligid. Hoy mister na mahilig sa gatas unang una, ang laki laki ng field na to imposibleng mabangga mo ko ng ganun ganun nalang. Tingin ko sinadya mong tapunan ako. At pangalawa wala kang pakialam kung san ko gusto umupo!" Tumawa na naman ang kaibigan niya. Tss ano bang nakakatawa? Napipikon na ko ah. Umalis nalang ako at ayoko masira ang araw ko. Excited pa naman ako tapos may maninira ng excitement ko ayy hindi pwede yun. Baka masapak ko siya ng di oras. Maaga pa naman 7:40 palang pupunta nalang ako sa restroom para maghugas ng kamay at hugasan yung bahagi ng uniform ko na natapunan para maalis yung lagkit. Mabuti nalang at gatas ang inumin niya..kung kape yun or chocolate my God... mahirap lang ako pero maayos at malinis naman ako manamit. Pagkatapos, pumunta na ko sa magiging classroom ko. Pumasok na ang professor namin. "Good morning class." Bati niya sa amin. Ang charming ng personality niya. Mukhang mabait. At tsaka laging nakangiti. "I am Katarina Sanchez, your professor in Pharmacognosy and Plant Chemistry. So, I don't know your names yet that's why you're going to introduce yourself in front of the class and we will put a twist, after you say your name, age, birthday, and motto in life...you will say something related to our subject. Is that clear?" The prof said. "YES MA'AM" All of us answered. As if we have a choice. Nasa dulo ang upuan ko kaya medyo matagal pa ko. Marami na akong nabasa about don ehh...Alice, Alice, Alice think deeply please utak makisama ka... 6 students before me 5... 4... 3... Hindi natutuwa si Ma'am Sanchez dahil walang mga naisasagot ang mga kaklase ko about pharmacognosy. Shocks. Hindi pwede baka pag turn ko na magalit na ng tuluyan si ma'am kapag hindi ako nakasagot. Utak... Utak.. 2... "Hello, I am Clark Jericho Guevarra. I am 19 years old. My birthday is on August 16, 2001 and I believe in the saying "we may encounter many defeats but we must not be defeated" by Maya Angelou. Galen was the Father of Pharmacognosy. He is a Greek pharmacist, he worked on extraction of chemical constituent from the plants. Another fact that is related to Pharmacognosy is Crr. Anotheus Seydler is a German who used the word "pharmakognosie" in his book named Analecta Pharmacognostica. Thats all. Thank you. "Thank you Mr. Guevarra you may sit down." Siya na naman?! Yung lalaking nakatapon ng gatas sa uniform ko! Kaklase ko siya?!! Ang masaklap pa, inagaw niya ang sagot ko unintentionally pero ganon na din yun paano na? "Miss?" "Po?" I said. "It's your turn." The prof said. What?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD